outbrain

SEA Games: Windsurfing kanselado dahil kay ‘Tisoy’

By Dennis Christian Hilanga December 01,2019
share this

SEA Games: Windsurfing kanselado dahil kay ‘Tisoy’

By Dennis Christian Hilanga December 01,2019
share this

SUBIC- Kinansela ng 30th Southeast Asian Games organizers ang windsurfing competition na gagawin sa Subic Yacht Club dahil sa masamang panahon.

Sinabi ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) senior deputy administrator for support services Ramon Agregado na itutuloy ang event sa oras na umaliwalas na ang panahon.

Bukas, Dec. 2 nakatakdang idaos sana ang windsurfing.

Sa weather bulletin na inilabas Linggo, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na magla-landfall si Tisoy sa Bicol Region sa pagitan ng Lunes ng gabi at Martes ng umaga.

Ayon pa sa Pagasa, magdadala si Tisoy ng malakas na hangin at pabugso-bugsong madalas na malakas na buhos ng ulan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending