Wushu champ Agatha Wong nagbigay ng ginto sa Pinas
ISA pang ginto ang naisukbit ng Pilipinas nang magwagi ang pambato nito sa women’s taolu taijiquan na si Agatha Wong sa wushu event ng 30th Southeast Asian Games na ginanap sa World Trade Center.
Nagtala si Wong ng iskor ng 9.67 para mapanatili ang kanyang gold standing noong 2017 SEA Games.
Pumangalawa naman sa kanya si Lachkar Basma ng Brunei na nakakuha ng iskor na 9.550 at Tran Thi Minh ng Vietnam na may final score na 9.530.
Samantala, nauwi naman ni Daniel Parantac ang tansong medalya sa men’s taolu taijiquan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.