outbrain

Bagong BF ni Karla hindi pa ‘ok’ kay Daniel: Ayokong maging kontrabida, pero…

By Ervin Santiago December 01,2019
share this

Bagong BF ni Karla hindi pa ‘ok’ kay Daniel: Ayokong maging kontrabida, pero…

By Ervin Santiago December 01,2019
share this

KARLA ESTRADA AT DANIEL PADILLA

HINDI pa pala “OK” ang bagong boyfriend ni Karla Estrada sa kanyang panganay na anak na si Daniel Padilla.

Totoong nakilala at nakausap na ni DJ ang dyowa ni Karla na si Jam Ignacio pero diretsahan niyang sinabi na hindi ibig sabihin ay “ayos na” ito sa kanya. Kailangang kilalanin pa raw niya ito nang bonggang-bongga para masabi niyang boto siya rito para sa kanyang ina.

“Naipakilala na sa akin ni Ermat at siya rin naman, nagpakilala na rin siya sa akin. Ako eldest, e,” simulang pahayag ni Daniel sa panayam ng Tonight With Boy Abunda last Friday. “Lahat ng relationships ng ermat ko is nandoon ako, so lahat nakita ko, lahat narinig ko, so nandoon po ako…” dugtong pa niya.

Ayon pa sa boyfriend ni Kathryn Bernardo, alam naman niyang hindi niya maibibigay ang hinahanap na kaligayahan ni Karla pero siyempre ayaw din niyang makitang nasasaktan ang ina kaya kailangang kilalanin din niya ang karelasyon nito, “Siyempre bilang anak ka at nakita mo, hindi agad yun, e. Hindi siya agad na ayos, okey.

“Siyempre ngayon, may… iba na, e. Hindi na ako bata din, e. So ayoko namang maging kontrabida. Ayoko namang sirain, dahil yung mga bagay na hindi ko rin mabibigay sa kanya, di ba? And ayokong maging kontrabida. Pero at the same time, on the look lang ako, I’m just hovering,” paliwanag ni DJ.

Sinabi rin niya kay Karla ang kanyang pag-aalala sa bago nitong boyfriend, “Kasi yun naman ang totoong nararamdaman ko, nakikita niya siguro yon. Hindi naman yun sa, ‘Ayoko na sa ‘yo,’ hindi. Pero, ‘Sorry, pare…’

“I’ve heard… ang dami ko nang narinig, ang dami ko nang nakita at lahat ng pinakamasasaya, lahat ng pinakamalungkot, nakita ko na sa ermat ko, e. Masaya lang ako kay Mama ngayon dahil, yeah, she’s very happy and I think, yeah, she’s in love… that’s good.
“Pag-ibig bumabaliw sa kanya, e. Sa atin namang lahat, ano? Pero ibang level yung sa ermat ko, e. Sa kanya ko naman namana, nababaliw kapag ano…” chika pa ni Daniel.

Bago pa ibandera ni Karla sa madlang pipol ang identity ng kanyang bagong dyowa, nasabi na ito ng TV host-actress sa kanyang mga anak, “Napag-usapan na namin yun. Naku, hindi papayag yun, tatawagin niya talaga ako. Kapag gising pa yan ng madaling araw, tawagan ako noon, tawagan kami ni JC, yung kapatid ko, akyat kaming magkapatid, usap. So laging may ganoon.”

Ano ba ang mga qualities ng lalaking sa tingin niya ay babagay kay Karla? “Siya yung tumayong nanay at tatay namin, kaya ang hirap ikumpara sa isang lalaki. Dahil ang nanay ko, kulang na lang tubuan na rin ng balbas, e. Ganoon yun, e. Parang lalaki na rin yun, e. Siguro kailangan niya ng mas tamed na lalaki. Kasi masyadong mataas ermats ko, e. Masyado siyang mataas. Hindi niya puwedeng sabayan kasi hindi niya kakayanin, e. Para balanced lang silang dalawa.”

In fairness, may ganitong mga katangian naman daw si Jam, “Nakikita ko naman kay Jam na ganoon naman siya and sa ngayon, nakikita ko naman nagri-reach out siya. Kasi last time, nung birthday ni Mama, tulog na lahat, nandoon kami sa bahay ko, dumaan siya doon, saglit siya. Malaking bagay yun bilang lalaki dahil siyempre, pinapakita mo yung totoo, pero I’m not saying ayos na. Ha-hahaha! Lagi lang yun nandoon dahil ako ang number one security ng ermats ko.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending