outbrain

Dimples napakalaki ng utang na loob kay Daniela Mondragon; mas suswertehin pa sa 2020

December 01,2019
share this

Dimples napakalaki ng utang na loob kay Daniela Mondragon; mas suswertehin pa sa 2020

December 01,2019
share this

 

DIMPLES ROMANA

NAPAKALAKI ng utang na loob ng Kapamilya actress na si Dimples Romana sa afternoon series na na Kadenang Ginto kung saan nakilala at sumikat nang bonggang-bongga ang kanyang karakter bilang Daniela Mondragon.

Inamin ni Dimples na never niyang na-imagine na sisikat nang ganito ang role niya sa Kadenang Ginto kaya naman puro pasasalamat na lang ang ginagawa niya ngayon lalo na kay Lord at sa lahat ng mga nagpa-viral kay Daniela Mondragon pati na sa mga viewers na walang sawang nanonood ng kanilang programa sa ABS-CBN.

“Hindi kasi ako ganu’n, e. Ever since naman ang goal ko lang sa pag-aartista ay ‘yung may trabaho ako, mayroon lang akong gagawin na teleserye. Ganu’n lang naman ang gusto kong mangyari sa karera ko, ‘yung hindi lang ako mawala,” lahad ng aktres.

At dahil din dito kaya bumubuhos ang blessings sa buhay niya ngayon. Nagsunud-sunod ang offer sa kanya para sa iba’t ibang endorsements at inaasahan pang madadagdagan ang listahan ng kanyang TV commercial sa darating na 2020 dahil next year pa nga matatapos ang Kadenang Ginto.

“Happy ako kasi ‘yung mga pinto na nabubuksan, hindi lang naman para sa akin ‘yun e, para sa lahat ng character actress ‘yun, na mayroon din silang dream na makapag-endorse in the future, at patunay na may tamang panahon talaga para sa lahat,” pahayag ni Dimples na humarap muli sa entertainment press kamakailan bilang bagong ambassador ng JuanLife Personal Accident Insurance ng Agile Insurance Agency and Business Technologies.

Naniniwala ang Agile na malaki ang maitutulong ni Dimples sa kanilang bagong insurance campaign dahil hindi lang siya basta kilalang celebrity, isa rin siyang momtrepenuer. And while she appears in many TV and movie projects, Dimples maintains a very strong voice as a mother, daughter and a wife, as evident in her social media posts.

“Dimples is a relatable brand endorser for JuanLife because she represents our target market: family nurturers who are central in every Filipino family and will do anything to ensure their loved one’s security and success,” ani Roselle Masirag, General Manager ng Agile. “They are resilient, problem-solvers, solution-seekers and entrepreneurial by heart, who lives day-by-day making decisions for their family,” dagdag pa niya.

Paliwanag naman ni Dimples, “JuanLife is a personal accident insurance that was designed to serve the Filipino family. The product’s name, which is a play on the common Pinoy monicker Juan, puts an emphasis that every Juan or every Filipino, only has one life to live, so dapat nakahanda tayo sa anumang posibleng mangyari. JuanLife covers death and injury due to accident and acts of nature.”

Dagdag naman ni Masirag, “Unlike the typical personal accident insurances in the market, JuanLife, covers a wider age range (from 7 to 60 as opposed to the common 18 to 60), people with hazardous occupations and accidents resulting from acts of nature such as flood, earthquake, etc. Pricing was mindfully developed to apply the same price, regardless of age and type of occupation. Traditional personal accident insurance products apply a higher price for children below 18 and for people with high-risk jobs.

“Developed in partnership with non-life insurance company, Stronghold Insurance Company, Through technology, Agile brings closer insurance companies’ brands closer to the consumers by making insurance accessible 24/7 through its website www.juanlife.com.ph and through our community-based distribution partners, The JuanLife Kakampi,” aniya pa.

* * *
Speaking of Dimples, inamin naman ni Piolo Pascual na mula noon hanggang ngayon ay certified fan siya ng aktres. Ito ang sinabi ni Papa P nang mabasa ang Instagram post ni Dimples tungkol sa kanilang friendship.

“Yung Kuya mong supportive I would always joke around how @piolo_pascual still looks the same way as the time we were attending workshops 23 years ago, May braces pa ako nun, pigtails and jumper. Pa Peej inspired me to be hard working, to be good to people Kahit Ano pang Estado nila sa buhay at higit sa lahat magdasal funny how one person can influence the way you work and live your life and they don’t even know it! Ang laki ng utang na loob ko sa kanya. Salamat pa peej!!! Isa ka sa pinakamabubuting taong mahal ko!”

Na sinagot ni PJ ng, “Ahahahahah we’ll always look out for each other… and I appreciate how you’ve never changed… and still growing in your craft… I’ll always be a fan Dimp:) …in your pigtails, jumpsuit and braces… #priceless hehe happy birthday:) keep on soaring higher and do the dance moves.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending