Angelica ayaw tantanan ng kanegahan si Carlo: Hindi pa rin maka-move on teh? | Bandera

Angelica ayaw tantanan ng kanegahan si Carlo: Hindi pa rin maka-move on teh?

Cristy Fermin |November 30,2019
facebook
share this

Angelica ayaw tantanan ng kanegahan si Carlo: Hindi pa rin maka-move on teh?

Cristy Fermin - November 30, 2019 - 12:02 AM

MARAMING nakikisimpatya kay Carlo Aquino dahil sa mga negatibong salita na ibinabato sa kanya ni Angelica Panganiban.

Hanggang ngayon kasi, konting sundot lang kay Angelica tungkol sa nakaraan nilang relasyon ng dati niyang bestfriend na si Carlo ay meron na agad siyang komento, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin nakapagmu-move-on ang magandang aktres.

Kung totoong napatawad niya na si Carlo, dapat ay hindi na rin siya nagkokomento nang negatibo, pero nilinaw ng dalagang aktres na pinatawad lang niya si Carlo para sa kanyang sarili at hindi para sa kapakanan ng binatang aktor.

Masaya na ngayon si Carlo sa bago nitong girlfriend, si Angelica ay wala pa ring karelasyon, punumpuno pa rin ng mapapait na alaala ang kanyang puso na nakahaharang sa dapat ay kaligayahang nararamdaman na niya ngayon.

Hindi naman kailangan ng babae ang bagong karelasyon, kahit sa kanyang pag-iisa ay makakaramdam siya ng saya, kailangan lang niyang basyuhin ang kanyang puso ng mga hindi kagandahang alaala na nagpapalungkot sa kanya.

May bagong hirit pa si Angelica na kaya lang gusto ni Carlo na magkaayos na sila ay dahil gusto nitong gumawa pa uli sila ng bagong pelikula.

Para namang wala nang magiging trabaho si Carlo Aquino kung wala siya. Hindi ‘yun maganda sa panlasa at pandinig.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending