UMABOT sa 538 sanggol ang ipinapanganak ng mga teenage mother sa bansa kada araw.
At tataas pa umano ito kung hindi matuturuan ang mga kabataan ng masamang epekto ng maagang pagbubuntis sa kanilang kinabukasan at sa lipunan.
Ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles, ang mga kabataang nagbubuntis ay 5.99 porsyento ng populasyon ng mga kababaihan.
“Early pregnancy has its deleterious effects to young girls and the society as a whole,” ani Nograles. “Early pregnancy forces girls to take on an adult role while their bodies are often not ready. Early pregnancy can also trap girls in an escapable cycle of poverty, stigmatized by society for being teenage mothers or forced into early marriage.”
Inihain ng solon ang Prevention of Adolescent Pregnancy bill (House bill 5516) upang maturuan umano ng tama ang mga kabataan.
Bibigyan ng kasanayan ang mga guro kaugnay ng adolescent health upang maituro nang maayos ang sexuality-related topics sa mga estudyante sa mga paaralan na saklaw ng Department of Education, Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority.
Ang Department of Social Welfare and Development naman ang mangangasiwa sa pagtuturo sa mga out-of school youth.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.