Resbak ni Oyo Sotto sa anti-Duterte: Mga ipokrito, ikinahihiya ko kayo!
INILABAS ni Ai Ai delas Alas ang isang pahayag mula kay Oyo Sotto na tila may kinalaman sa mga aberyang nagaganap sa pagdaraos ng 2019 Southeast Asian Games at ilang pambabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa Instagram ni Ai Ai naka-post ang galit na galit na statement mula kay Oyo. Hindi lang kami sure kung saan ipinost ni Oyo ang kanyang statement dahil nang tsinek namin ang IG ng hubby ni Kristine Hermosa, wala ito roon.
Narito ang ni-repost ng Comedy Queen na sinasabing galing kay Oyo: “Kapag ibang bansa ang binomba, lakas niyo maka #PrayFor France. Pero nung ang Pinas na GINAWA NIYO LANG BRO?
Sinisisi niyo agad ang Presidente?
“Puro kayo talkshit! Mga hypocrites! Nalulungkot ako dahil may mga Pinoy na katulad niyo! Ikinahihiya ko kayo!
“KAYA DI UMUUNAD ANG PILIPINAS DAHIL SA INYO!”
Sinang-ayunan naman si Oyo ng followers ng Comedy Queen dahil puro positibong komento ang nabasa namin sa comments section.
qqq
Ibinaling muna ni Patricia Javier ang kanyang panahon sa pagsali sa Miss Noble Queen of the Universe 2019 pageant. Isa itong advocacy beauty contest na sa Pilipinas nagsimula.
“Di po ba, hindi ako nakasali sa Mrs. Universe because of conflict of my schedules? Pero nang dumating sa akin ang Noble Queen na gusto talaga naming mag-asawa para mai-promote ang advocacy namin pinili naming sumali rito,” pahayag ni Patricia sa presentation ng candidates mula sa iba’t ibang bansa.
Lahat ng kandidata ay may mga ginagagang outreach programs at puwedeng sumali kahit may asawa’t mga anak na. Isa nga sa kandidata ay ang anak ni Imelda Papin na si Mafi na kahit malusog at may anak na eh, nakapasok pa rin sa 21 official candidadates.
Ang coronation night ng Miss Noble Queen 2019 ay gagawin ngayong Sunday, Dec. 1, sa Manila Hotel. Guest of honor sa event si Manila Mayor Isko Moreno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.