'The Heiress' nina Maria at Janella bawal sa mahihina ang puso; katakot, kadiri! | Bandera

‘The Heiress’ nina Maria at Janella bawal sa mahihina ang puso; katakot, kadiri!

Ervin Santiago |November 28,2019
facebook
share this

‘The Heiress’ nina Maria at Janella bawal sa mahihina ang puso; katakot, kadiri!

Ervin Santiago - November 28, 2019 - 12:20 AM


MATINDI ang takot, gulat at diri factor ng latest suspense-horror movie ng Regal Films, ang “The Heiress” na pinagbibidahan ng nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Napanood namin ang pelikula sa ginanap na premiere night kamakalawa sa SM Megamall cinema 7 na dinaluhan ng buong cast with Regal matriarch Lily Monteverde.

Siyempre, punumpuno ang sinehan dahil sanib-pwersa ang mga tagasuporta ni Maricel at ng fans nina Janella Salvador at McCoy de Leon, pati na ang supporters ni Sunshine Cruz.

Ilan pa sa mga celebrities na dumalo sa premiere night ay sina Arjo Atayde, Pepe Herrera, Maja Salvador with boyfriend Rambo Nuñez at marami pang iba na nagsabing bilib sila sa obra ni Direk Frasco Mortiz.

Nagtagumpay daw ang buong production sa kanilang misyon – ang takutin nang bonggang-bongga ang madlang pipol.

Imagine, kahit si Maja na ilang beses nang nakagawa ng horror movies ay hindi kinaya ang “The Heiress” dahil super affected siya sa pinaggagawa ni Maria bilang mambabarang. Balitang lumabas bigla ang aktres pero hindi kami sure kung bumalik pa siya.

Korek na korek ang sinabi nina Maria, Janella, McCoy at Sunshine na hindi mabibitin sa pananakot at panggulat ang mga manonood sa “The Heiress” dahil mula simula ng pelikula hanggang ending ay wala kayong gagawin kundi sumigaw at tumili!

Simula pa lang ay pasabog na ang nakakadiring eksena kung saan ipinakita ang isang lalaki na biktima ng barang. Kaloka! Talagang mapapa-ewwww ka habang pinanonood ang pagpapahirap ng mambabarang sa kanyang biktima.

Nakakatakot si Maricel sa kabuuan ng pelikula bilang tiyahin ni Janella na isang mambabarang – titig pa lang niya parang pinapatay ka na! Gagawin niya ang lahat para masigurong hindi mawawala sa kanya si Janella dahil nga ito ang magmamana ng kanyang kapangyarihan bilang mambabarang.

In fact, ilang beses pinalakpakan ang Diamond Star sa kanyang mga eksena lalo na ang confrontation scene nila ni Sunshine Cruz na gumaganap namang pinsan niya at nanay ni Janella. Winner ang dialogue ni Maria na “Ako lang” na kahit one-liner lang ay nagmarka talaga sa manonood – at binigyan pa ng malakas na palakpakan.

Abangan n’yo rin ang ginawang kulam ni Maricel kay Sunshine na siguradong ikaka-shock n’yo! Ito yung sinasabi ng aktres na kahit siya ay hindi niya kinayang panoorin. Hindi na namin sasabihin kung namatay ba siya sa kuwento para may gulat factor pa rin kapag pinanood n’yo.

As for Janella, in fairness, nakipagsabayan din siya kay Maria, lalo na sa bandang ending kung saan pilit nang ipinapasa sa kanya ang kapangyarihan bilang mambabarang!

Dahil dito, nagkakaisa ang lahat ng mga nakapanood ng “The Heiress” na sayang na sayang at hindi ito nakapasok sa 2019 Metro Manila Film Festival na tiyak sanang tatabo ng milyones sa takilya dahil tradisyon na para sa mga Pinoy ang magtakutan at magtilian sa loob ng sinehan kapag sumasapit ang Pasko at MMFF.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ngayon ang “The Heiress” sa mga sinehan nationwide. (Babala: Wag manonood mag-isa, lalo na kapag mahina-hina ang puso n’yo!)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending