TV5 ibabalik na ang mga entertainment show | Bandera

TV5 ibabalik na ang mga entertainment show

Reggee Bonoan - November 25, 2019 - 12:10 AM

IBABALIK na ng TV5 ang kanilang entertainment department base na rin sa pahayag ng bagong CEO ng network, ang Cignal President na si Jane Basa.

Nang makausap ng media si Ms. Basa kamakailan ay nabanggit nga nito na ibabalik na ang dating entertainment head ng Kapatid Network na si Perci Intalan na isa na ring direktor ngayon at isa sa may-ari ng IdeaFirst Company.

Matatandaang nagretiro si Perci sa TV5 noong 2014 at nagtayo ng sariling kumpanya katuwang ang asawa niyang si direk Jun Lana. Natanong namin si direk Perci tungkol sa pagbabalik niya sa Singko.

“Kaloka nga, akala mo si Angel Locsin ang bumalik sa GMA! Ha-hahaha! Consultant lang ako ng Programming, may IdeaFirst pa rin kasi ako. Pero siyempre mahal ko ang mga Kapatid natin kaya gusto ko rin silang tulungan sa abot nang makakaya ko,” sagot ni PMI (tawag namin kay Perci) sa chat message.

Sa madaling salita hindi rin magiging ganu’n hands-on ang TV executive sa mga proyekto ng Singko?

“Hands on naman. Alam mo naman ako, di ko ma-resist na hindi ako hands on. Pero hindi ako executive tulad ng dati. At kaya rin puwede pa akong labas-masok sa ABS at GMA.”

Magkakaroon kasi ng conflict kapag nakatutok siya sa TV5 dahil labas pasok nga siya sa GMA at ABS-CBN. Lalo na ngayon na may mga project siya sa iWant katuwang ang Dreamscape Entertainment.

Natanong namin kung ibabalik ni PMI ang talk show dahil hinahanap pa rin ito ng mga nakaka-miss sa The Buzz at Startalk, “Depende. Iba ang committee na nagde-decide sa shows. Mas strategy ang hawak ko, pero totoong hinahanap na nga ng mga tao ang The Buzz lalo na nu’ng kasagsagan ng away ng mga Barretto.”

Sa aming palagay click pa rin sa televiewers ang talk show kahit pa may social media na dahil gusto pa rin ng publiko ang iniinterbyu ng host ang mga artista, tulad ng Tonight with Boy Abunda.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending