Litrato ni Bea idi-display na ni Angelica sa bahay...bakit kaya? | Bandera

Litrato ni Bea idi-display na ni Angelica sa bahay…bakit kaya?

Reggee Bonoan |November 22,2019
facebook
share this

Litrato ni Bea idi-display na ni Angelica sa bahay…bakit kaya?

Reggee Bonoan - November 22, 2019 - 12:05 AM

ANGELICA PANGANIBAN AT BEA ALONZO

AMINADO sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban na timing ang pagsasama nila sa pelikulang “Unbreakable” para manumbalik ang kanilang pagkakaibigan.

Sa mga hindi nakakaalam ay matagal ng magkaibigan ang dalawang aktres at nagsimula yata ito noong nagsama sila sa teleseryeng Maging Sino Ka Man taong 2006.

Maski hindi sila madalas magkita ay hindi naman nawala ang kanilang komunikasyon at kapag gumimik naman sila ay inaabot na sila ng umaga, “Delikado kami nito kapag lumalabas. Pang-umagahan kami, nagbubukas kami ng gotohan.”

Kuwento ng magkaibigan ang “Unbreakable” at ipakikita sa pelikulang idinirek ni Mae Cruz-Alviar mula sa Star Cinema ang struggles ng isa na pakiramdam niya ay iniwan na siya ng kaibigan dahil nag-asawa ito.

Nabanggit ni Bea na ang pagkakaibigan ay isang commitment at kailangang panindigan sa hirap at ginhawa at mas lalo pa silang naging solid dahil pareho sila ng pinagdaanan pagdating sa pag-ibig.

Pagtatapat ng aktres, ito ang naging malaking factor para mas maging close sila.

Say ni Bea, “Feeling ko oo, malaking bagay na may pinagdaanan siya based on the past at ako rin halos. Pareho ‘yung pinagdaanan namin. Di ba ganu’n ‘yun pag nakaka-relate kayo sa pinagdaanan ng isa’t isa mas bonded kayo kasi tinutulungan ninyo ang isa’t isa to heal and to move on. Malaking bagay ‘yun.”

“May mga moments na magsasabing, ‘ang dami mo nang kinaya bakla, ngayon pa ba (susuko)?’ Feeling ko nga everything fell into place nu’ng tinanggap namin ito (Unbreakable), pinagtiyap ng tamang panahon,” say ni Bea.

Paliwanag naman ni Angelica, “Siguro alam din naman ng tadhana na matutulungan namin ang isa’t isa.

And ang maganda hindi kami pinagsasabay, pag down siya (Bea), ako ‘yung mataas, pag ako naman ‘yung down, siya naman ‘yung mataas so parang may ganu’n kaming relationship at lumalim na nagre-reflect sa pelikula. May lalim ang naramdaman namin sa totoong buhay.”

Dagdag pa ni Angelica, isa si Bea sa mga totoong kaibigan niya sa showbiz, “Oo naman. Masasabi ko talaga yun. Kasama na siya du’n sa listahan.

“Mami, ilalagay na kita sa wall ko sa bahay,” sabi pa ni Angelica na ang tinutukoy ay ang mga litrato ng mga friends niyang naka-display sa kanyang bahay.

Looking forward din ang dalawang aktres na makapagbakasyon nang magkasama, “Ang dami na naming naplano, wala pa kaming oras. Nag-out of the country na nga kami sa mga usapan namin. I’m sure merong matutuloy. Pero before, palagi kaming lumalabas.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Unbreakable” sa Nob. 27.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending