8-anyos na batang lalaki pinagbabaril ang ama sa Negros Occidental | Bandera

8-anyos na batang lalaki pinagbabaril ang ama sa Negros Occidental

|November 21,2019
facebook
share this

8-anyos na batang lalaki pinagbabaril ang ama sa Negros Occidental

- November 21, 2019 - 01:25 PM

NAPATAY ng walong-anyos na batang lalaki ang kanyang tatay matapos pagbabarilin sa kanilang bahay sa Sitio Manluy-a, Barangay San Jose, Sipalay City, Negros Occidental, Miyerkules ng gabi.

Nasawi ang 39-anyos na tatay matapos magtamo ng tatlong tama ng bala sa dibdib, ayon sa pulisya.
Bago ang pamamaril, sinaktan ng biktima na nakainom, ang kanyang anak na lalaki sa harap ng dalawa pang kapatid, sabi ni Lt. Col. Necerato Sabando, officer-in-charge of the Sipalay City Police Station.

Kinuha ng suspek, na hindi pinangalanan, ang .38 caliber revolver ng kanyang ama at binaril sa dibdib ang tatay ng tatlong beses sa dibdib.

Nasa pangangalaga na  ang bata ng Department of Social Welfare and Development sa Sipalay City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, minamaltrato ng biktima ang kanyang tatlong anak kapag nalalasing.

Idinagdag ng pulisya na tinuruan ni Obas ang mga anak kung paano gumamit ng baril.

Pinakabata ang suspek sa mga magkakapatid. Nagtatrabaho ang kanilang nanay sa Maynila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending