Gumagamit ng e-cigarettes sa pampublikong lugar aarestuhin-PNP
NAGBABALA ang Philippine National Police (PNP) na aarestuhin ang mga lalabag sa atas ni Pangulong Duterte matapos naman niyang ipagbawal ang paggamit ng e-cigarettes.
Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na ipinag-utos na ni PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa sa buong kapulisan sa buong bansa na ipatupad ang ban sa paggamit ng vape at hulihin ang mga lalabag.
“All heads of offices and chiefs of police units in all levels are held accountable for the strict enforcement and compliance of their personnel with the ban,” sabi ni Banac.
“All PNP campuses are now declared as a no vape zones,” dagdag pa ni Banac.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.