Dimples may 2 rason kung bakit naba-bad trip kay Angel: Iba siya! | Bandera

Dimples may 2 rason kung bakit naba-bad trip kay Angel: Iba siya!

|November 21,2019
facebook
share this

Dimples may 2 rason kung bakit naba-bad trip kay Angel: Iba siya!

- November 21, 2019 - 12:01 AM


PARANG  totoong magkapatid na ang turingan nina Angel Locsin at Dimples Romana kaya naman kilalang-kilala na rin ang isa’t isa.

Ayon kay Dimples, tumagal ang friendship nila dahil, “Very loyal kasi si Gel, eh. Saka I guess ano rin siya, matiwala kasi siya sa tao. Alam mo yon, may mga taong gusto niya ito yung mga kaibigan, ito yung mga pinagkakatiwalaan niya, ganu’n siya.

“Saka, kasi nakita na namin yung mga pinagdaanan namin, eh. Nakakapagpatibay talaga ‘yon ng pagkakaibigan, yung nakita n’yo at natulungan n’yo ang isa’t isa na bumangon sa mga pinagdadaanan sa buhay,” pahayag ni Dimples sa isang panayam.

Pero inamin ng Kapamilya kontrabida na may pagkakataon na talagang naiinis din siya kay Angel, “Ako naman mainit ang ulo ko diyan ‘pag nakikita kong nag-i-stunts, ang init ng ulo ko. Ini-screen shots ko, sine-send ko sa kanya. ‘May problema ba tayo?’ Tapos ang sagot niya lang sa akin, ‘Ha-hahahaha. Iba siya!’

“Naku, kung kayo ang kaibigan ni Gel feeling mo makikinig sa ‘yo? Kailan ka titigill? Hindi, naku. Baka lalo pa niya akong inisin at magsasasakay pa siya ng truck na umaandar. Kasi ganu’n niya ako gustong inisin, eh. Yung alam niya ng nag-aalala ako sa kanya gagawin niya pa talaga paulit-ulit,” pahayag pa ni Dimples.

“Sobrang pagmamahal niya sa trabaho niya kaya gagawin niya talaga. Kaya ang ginawa ko na lang binilhan ko siya ng beads, pang-health. Lahat ng pampatulong na beads, binilhan ko siya ng beads for good health,” lahad pa ng aktres.

Bukod sa “katigasan ng ulo” ng kaibigan, naiinis din daw siya kapag lumalabas sila at si Angel ang nagbabayad ng bill, “Kapag magta-try siyang magbayad ng bill lumalabas yung pagka-Daniela Mondragon (karakter niya sa Kadenang Ginto) ko. ‘Hoy, excuse me, kumikita na rin ako ngayon ‘no.’

Kasi dati, siyempre konti-konti lang ang kinikita ko, si Gel nga ang nagturo sa aking mag-ipon, eh, tsaka yung nagturo sa akin to reward yourself, ganu’n.

“So ngayon dahil medyo kumikita na ako sabi ko sa kanya, ‘Gel, medyo nakaluwag-luwag ako ngayon parang maililibre kitang out of the country,’ sabi ko sa kanya. Sabi niya, ‘Aba, sige mars.’

“Yun nga ang next sana naming gustong gawin. Sabi ko nga sa kanya kahit mag-siopao lang kami sa Hong Kong masaya na ako,” chika pa ni Dimples na sunud-sunod ngayon ang ginagawang endorsements.

Kamakailan, ni-launch na siya bilang brand ambassador ng skin care products na Skin Magical at lumabas na rin ang dalawang bonggang TV commercial niya para sa isang local food chain at fiesta ham.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending