Horoscope, Nov. 21, 2019 | Bandera

Horoscope, Nov. 21, 2019

Madam Sophia |November 21,2019
facebook
share this

Horoscope, Nov. 21, 2019

Madam Sophia - November 21, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Maging matulungin. Magbigay ng tulong sa mga kamag-anak na sobrang naghihirap, ngayong kapaskuhan, dapat na maalala mo sila. Sa ganyang paraan lalong gaganda ang kapalaran mo. Sa lovelife, ang ipinapadama mong pagmamahal sa iyong kasuyo habang lumalamig ang panahon ay hahantong sa mainit na romansa. Markahan ang 4, 16, 26, 34, 40 at 48. Green at silver ang buenas. Suwerte sa initial na T. at S.

Aries – (Marso 21-April 19)—Malaking halaga ng salapi ang darating. Panahon na upang makakabayad sa mga pagkakautang. Sa lovelife, nakakahibang talaga ang makisama sa kasuyong magaling romomansa. Markahan ang 3, 18, 27, 33, 42, at 47. Lilac at gold ang buenas. Suwerte sa initial na I. at M.
Taurus – (April 20-May 20)—May babala ng karamdaman! Ingatan ang kalusugan. Iwasang magpa-hamog at mag-puyat at ugaliin ding mag-exercise tuwing umaga. Sa lovelife, tuloy ang mainit na pakikipag-relasyon sa isang payat na nilalang. Markahan ang 3, 6, 15, 39, 46, at 48. Maroon at purple ang buenas. Suwerte sa initial na A. at C.
Gemini – (May 21-June 21)— Tama ang iniisip mong negosyo at kalakal, ang kulang na lang sa iyo ay pagkilos. Ikilos mo ang iyong naiisip, dahil noon pa nakikita ng langit ang iyong mga pagsisikap at ito ang araw na kinasyahan na ng nasa itaas, na madodoble na, ang iyong kabuhayan. Sa lovelife, limutin na ang nakaraang samaan ng loob, magsimula ng bagong romansa ngayon. Markahan ang 4, 7, 25, 34, 43 at 49. Yellow at violet ang buenas. Suwerte sa initial na V. at J.
Cancer – (June 22- July 22)—Wag ibinbin ang mga proyektong ipinapagawa, matatambakan ka lang ng trabaho at lalong babagal ang pasok ng salapi. Sa lovelife, iwasan ang mga immoral at illegal na gawain upang hindi mapahamak. Markahan ang 5, 17, 23, 37, 41, at 47. Blue at magenta ang buenas. Suwerte sa initial na F. at R.
Leo – (July 23 – August 22)—Panatiliin ang pagiging mapagpakumbaba, upang lalo ka pang pagpalain ng tadhana. Sa lovelife, habang minamahal ang kapwa lalo na iyong mga maliit at inaapi, lalo kang susuwertehin at magtatamo ng mas marami pang magagandang kapalaran lalo na sa panahong ito na papalapit na ang Holiday Season. Markahan ang 7, 10, 28, 34, 44, at 49. Orange at red ang buenas. Suwerte sa initial na D. at M.
Virgo – (August 23 – September 22)—Ngayon pa lang ilista na kung saan dadalin ang malaking halaga na mahahawakan mula sa bonus at 13th month pay. Gawin mo yan, upang hindi kaagad mauubos ang pera. Sa lovelife maglaan ng salapi para sa nalalapit nyong date ng kasuyo mahusay romomansa. Markahan ang 6, 15, 24, 39, 42 at 49. Red at Green ang buenas. Suwerte sa initial na S. at P.
Libra – (September 23-October 23)—May isang kaibigan humahanga sa’yo! Hindi kasi nya matanggap na naunahan mo siyang umasenso! Tulungan siyang umasenso upang dobleng pagpapala ang bumalik sa iyo. Sa lovelife, tama na ang pagpapaganda magiging mitsa pa yan upang mahulog ka sa tukso. Markahan ang 1, 9, 27, 28, 44 at 49. Pink at blue ang buenas. Suwerte sa initial na F. at D.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Kapag nawala ang mga kaibigan, may iisang laging naiiwan – ang mga mahal sa buhay. Sa pinansyal basta’t nilakasan mo ang iyong loob, tuloy ang tabo ng malaking halaga ng salapi. Markahan ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Green at pink ang buenas. Suwerte sa initial na E. at A.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kung palagi kang panghihinaan ng loob walang mangyayari! Sumulong ng sumulong hanggang magtagumpay. Maging agresibo sa pagta-trabaho, upang mas lalong lumaki ang income. Sa lovelife, dagdagan ng libog ang pakikipag-romansahan sa kasuyong batong-bato na sa iyo. Markahan ang 2, 13, 26, 35, 39 at 44. Black at lilac ang buenas. Suwerte sa initial na N. at V.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Kung alam mong kumikita ka, mag-invest pa ng mag-invest hanggang sa yumaman. Sa lovelife, sa isang Cancer may masarap na relasyong naghihintay. Markahan ang 5, 16, 22, 39, 45 at 47. Black at gold ang buenas. Suwerte sa initial na A. at O.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Gawing simple ang pamumuhay, kung ano lang ang kayang bilin ng hawak na pera yon na lang ang pangaraping makamit. Sa lovelife, mas masaya at mas mahalaga pa rin kaysa sa pera ang isang buo at masayang pamilya. Markahan ang 4, 13, 26, 28, 34 at 49. Yellow at white ang buenas. Suwerte sa initial na N. at M.
Pisces – (February 19 – March 20)—May sopresang magaganap, habang patuloy ang pagdating ng mga kumplikadong bagay. Makipag-sapalaran, may malaking suwerteng makakamit. Sa lovelife, pag-tsagaan ang kasuyong laging komokontra, mas mainam na yan kaysa ma-zero ang love life lalo na ngayong magpapasko pa naman. Markahan ng 1, 19, 28, 31, 44 at 49. Red at yellow ang buenas. Suwerte sa initial na C. at Y.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending