Ion Perez payag magpakasal kay Vice: Babe, mahal na mahal na mahal kita! | Bandera

Ion Perez payag magpakasal kay Vice: Babe, mahal na mahal na mahal kita!

Bandera |November 20,2019
facebook
share this

Ion Perez payag magpakasal kay Vice: Babe, mahal na mahal na mahal kita!

Bandera - November 20, 2019 - 12:25 AM

ION PEREZ AT VICE GANDA

PAYAG si Ion Perez na magpakasal sila ni Vice Ganda at okay din sa kanya kung gustong magkaanak ng TV host-comedian. Sabi ni Ion, kung saan magiging maligaya si Vice, doon din siya dahil mahal na mahal daw niya ang kanyang karelasyon.

Sa interview ni Ogie Diaz, na dating manager ni Vice sinabi ni Ion na hindi niya in-expect na magkakatuluyan sila ng gay comedian, “Hindi ko inisip na darating kami sa ganito. Hindi ko masisisi ang sarili ko, sobrang bait ni Vice. Hindi mo rin ako masisisi kung bakit ako na-in love sa kanya, kasi sobrang bait niya talaga.”

Sa tanong kung may plano rin ba silang magkaroon ng sariling anak, “Ako, unang-una, nalilibang ako sa mga pamangkin ko…pero kung sa kanya po manggagaling, ang sabi ko, kung saan siya masaya, masaya na rin ako. Wala namang magiging problema sa akin iyon.”

At tungkol naman sa kasal, “May time na pinag-uusapan, pero sabi namin, hindi namin kailangan magmadali, basta nagkakaintindihan kami ngayon, nagmamahalan kami. Darating din po siguro ‘yung time na ‘yon, ‘yung magpapakasal.”

Ipinagdiinan din ni Ion na “straight” siya na na-in love sa isang bading, “Dati, hindi ako naniniwala sa forever, pero ngayon, nararamdaman ko na makakasama ko talaga siya nang matagal.”

Sa lahat naman ng mga nagsasabing ginagamit lang niya si Vice, ito ang nasabi ng binata, “Sa lahat ng nag-iisip na pineperahan ko si Vice Ganda, masasabi ko lang sa inyo, pakisamahan niyo lang ako sa maghapon. Kung may masabi kayo sa pag-uugali ko, sige, magpapakilala ako.”

Na-meet na rin ni Ion ang pamilya ni Vice tanggap ng mga ito ang kanilang relasyon. May bilin pa nga sa kanya ang nanay ni Vice na si Gng. Rosario na alagaan ang anak niyang si Tutoy (palayaw ng komedyante), “Alagaan ko raw si Tutoy, mahalin ko raw si Tutoy. Sabi ko, ‘Nay, sa abot ng aking makakaya, aalagaan ko at mamahalin ko si Tutoy.’”

Inamin naman ng binata na noong simula ng kanilang relasyon ay nagseselos siya sa ilang “boy friends” ni Vice pero alam niyang marami talagang kaibigan ang kanyang karelasyon. Ano naman ang ginagawa niya para hindi atakihin ng selos si Vice?

“Alam ko na po kasi ‘yung gagawin ko para hindi siya magselos. Alam ko po ‘yung pakiramdam ng nagseselos kaya ayaw kong iparamdam sa kanya,” tugon ng binata.

Nang hingan ni Ogie ng message si Ion para kay Vice, ito ang nakakakilig na sabi niya, “Hi, babe! Di ba lagi ko namang sinasabi sa ‘yo, mahal na mahal na mahal kita. Basta nandito lang ako. Hindi ako papayag na masaktan ang damdamin mo, dahil, babe, mahal na mahal kita.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending