Foot bridge dedma ng pedestrian | Bandera

Foot bridge dedma ng pedestrian

Leifbilly Begas - November 20, 2019 - 12:15 AM

MATAGAL-TAGAL na ring nakalagay ang mga signage na “bawal tumawid” sa piling lugar sa kahabaan ng General Luna st., ang pinakamalaking kalsada ng San Mateo, Rizal na nag-uugnay sa Rodriguez at Marikina City.
Ang mga signage ay nakalagay sa gitna ng kalsada sa tapat ng SM City San Mateo. May kalakihan ang mga letra kaya makikita ito kung nakatayo sa magkabilang gilid ng kalsada.
Bukod pa sa signage, naglagay din ng plastic barrier sa gitna kaya kahit na mga sasakyan ay hindi makagagamit ng kabilang lane para mag-counter flow.
Saan tatawid ang mga naglalakad, sa footbridge.
Matagal nang nadaraanan ang footbridge pero hindi ginagamit ng marami kahit ng ilang empleyado ng mall (nakasuot kasi ng uniporme kaya makikilala mo na sila ay empleyado ng mall).
Bukod sa hindi nila pagsunod sa batas, nakalulungkot kung sila ay maaksidente. At siyempre, kahit na hindi sila dumaan sa tamang tawiran, kapag nabangga, kasalanan ng driver, ipagagamot ng driver, at abala sa driver.
Ilang buwan na naman ang paalala na bawal tumawid, hindi naman siguro kalabisan kung manghuhuli na ng mga jaywalking.
Nakasanayan na kasi na walang disiplina. Kahit saan pwede tumawid.
Tiyak may mga magrereklamo, ‘yung mga ayaw umakyat sa footbridge. Pwede namang bumaba sila sa may gasolinahan bago mag-SM (kung Marikina bound) o sa isang grocery (kung Rodriguez bound) at doon tumawid para makarating sa kabilang lane at tsaka maglakad papunta sa mall.
Para mapasunod ang mga pasaway, pwede na sigurong maghuli ng jaywalking.
Kahit ba sabihin na P100 lang ang multa, kung paulit-ulit kang mahuhuli ay magiging masakit din ‘yun sa bulsa.
Kung wala ka namang pambayad ng multa, pwedeng community service ang gawin.
***
Noong Huwebes ay binuksan na ang malaking Christmas tree sa labas ng munisipyo ng San Mateo. To be fair, mas maayos ‘yung naging daloy ng trapiko ngayong kumpara sa mga nagdaang taon.
Patunay ito na pwedeng gamitin ang mga alternate road papunta sa Rodriguez kapag sarado ang bahagi ng General Luna st., papunta sa Plaza.
Kaya dapat ay palaging malinis ang mga kalsadang ito, walang nakaparada.
May mga residente kasi na may kakayanan na bumili ng sasakyan pero walang kakayanan na magpagawa ng parking.
Komento tuloy ng isang nagdaraan, parang ipinagawa ng gobyerno ‘yung kalsada para maging paradahan nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending