Bela sharpshooter na dahil sa Mañanita: Lahat ng pinabaril nila sa akin bull’s eye
NAGMARKA sa mga Japanese ang bagong pelikula ng Kapamilya actress na si Bela Padilla na “Mañanita” nang ipalabas ito sa 32nd Tokyo International Film Festival.
Tuwang-tuwang ibinalita ni Bela na super na-appreciate ng mga taga-Japan ang kanilang pelikula na idinirek ni Paul Soriano under Ten17 Productions at Viva Films.
Sa ginanap na presscon ng Mañanita kamakailan, sinabi ni Bela na nakakataba ng puso ang mga natanggap nilang papuri at magagandang comments at nakaka-proud na maging Filipino.
“I’m very humbled kasi sobrang nagustuhan po nila ‘yung pelikula, over and over. Even the audience, actually. Kahit after the film, they would come up to you to say how much they were affected by the movie, which I think nag-resonate talaga sa Japanese audience ‘yung story ni Edilberta (character niya sa movie) kasi she’s very isolated.
“Lagi po siyang mag-isa. Lagi po siyang walang kausap, eh di ba, parang I think the Japanese culture also is very much like that. They’re really individuals, so ang ganda po ng mga tanong nila sa amin nu’ng Q&A sa presscon. Talagang naintindihan po nila at ninamnam po talaga nila ‘yung pelikula.
“Personally, I want to say thank you to everybody who assisted us sa Tokyo International filmfest kasi ang dali po nu’ng naging stay namin du’n,” lahad ng aktres.
Sa kuwento, gumaganap si Bela bilang si Edilberta na isang sniper-shooter na na-discharge sa serbisyo para bigyan ng bagong misyon.
Paano niya pinaghandaan ang maaaksyong eksena sa pelikula? “I trained with actual soldiers in Camp Crame before we started shooting. Weeks before mag-shooting, nagtraining po ako ng kung paano gumamit ng iba’t ibang klase ng weapons, not just the rifle but pati galaw, paano maglakad, lahat po ‘yun.
Aside from that, kailangan ko pang mag-prosthetics sa mukha.”
“So, ang daming pinagdaanang proseso, physically, mentally. At marunong na akong mag-assemble ng rifle ngayon, lahat ng target na pinabaril nila sa akin, bull’s eye naman,” aniya pa.
Naikuwento rin ng dalaga kung gaano siya ka-proud sa pelikulang ito dahil bukod sa nakatrabaho niya ang si Direk Paul, ang highly-acclaimed director na si Lav Diaz pa ang nagsulat ng script ng “Mañanita.”
“Na-meet ko po si Lav Diaz three years ago sa Tokyo International filmfest din. And my first impression is sobrang rock star niya kasi lahat ng tao, gustong makipag-usap sa kanya. Nakaka-proud maging Filipino habang nakikita ko na ang daming gustong mag-interview sa kanya.”
Showing na ang “Mañanita” sa mga sinehan nationwide simula sa Dec. 4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.