‘Malvar’ ni Pacquiao wala nang urungan; ilalaban sa MMFF 2020
Wala nang atrasan ang pagbibida ni Sen. Manny Pacquiao sa kontrobesiyal na pelikulang “Malvar”, ang full-length movie na tatalakay sa buhay ni Gen. Miguel Malvar, ang Supreme Commander ng 1898 Philippine Revolutionary Republic noong 1899-1902 Philippine American War.
Sa nakaraang presscon nito na ginanap sa Shangri-La Makati kamakailan, itinaas pa ni Atty. Jose Malvar Villegas, may-ari ng JMV Film Production at apo ng National Hero Gen. Miguel Malvar, ang kamay ni Sen. Pacquiao.
Si Camarines Sur Vice Governor at Presidente ng Actors Guild na si Imelda Papin ang line producer ng pelikula habang si Batangas Vice Governor Mark Leviste ay gaganap din sa pelikula bilang close-in aide ni Sen. Pacquiao.
Ang “Malvar” ay intended for Metro Manila Film Festival 2020 at ilalahok din sa iba’t ibang international film festivals. Ang buong cast ng pelikula ay ipakikilala sa publiko sa darating na Dec. 22 na gaganapin sa Aberdeen Court, Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.