‘The Gift’ ibabandera ang kahalagahan ng pagpapatawad | Bandera

‘The Gift’ ibabandera ang kahalagahan ng pagpapatawad

Bandera |November 19,2019
facebook
share this

‘The Gift’ ibabandera ang kahalagahan ng pagpapatawad

Bandera - November 19, 2019 - 12:15 AM

ALDEN RICHARDS AT JO BERRY

UNTI-UNTI nang malalantad ang mga lihim sa pagpapatuloy ng kuwento ng GMA Telebabad series na The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards.

Matindi ang sama ng loob ni Sep (Alden) sa ina-inahang si Strawberry (Jo Berry) at sa kanyang Lola Char (Elizabeth Oropesa) dahil sa ginawang panloloko ng mga ito sa kanya.

At kahit na nga humingi na ng tawad ang mga ito ay diretsong sinabi sa kanila ni Sep na hindi pa niya kayang magpatawad dahil sa sakit na naramdaman niya. Feeling niya ay tinraydor siya ng sariling pamilya.

Madamdamin ang eksena nina Alden at Jo sa loob ng simbahan kung saan todo ang pag-aalala ng bulinggit ngunit mapagmahal na nanay sa kanyang ampon. Pero kahit na sising-sisi na siya sa mga nangyari, hindi pa rin niya mapaamo ang binata.

Ngayong linggo, tutukan kung malalaman na nga ba ni Sep ang tunay niyang pagkatao. Muli na kaya silang magkasama ng tunay niyang inang si Nadia (Jean Garcia)? Maging malinaw na kaya ang kanyang mga pangitain tungkol sa kanyang mga magulang?

Samantala, bukod sa kanyang tunay na pagkatao, marami pang haharaping pagsubok si Sep, pati na rin ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Abangan n’yo rin ang mga mangyayari sa kontrabidang si Jared (Martin del Rosario) dahil siguradong hindi n’yo kakayanin ang mga susunod na kasamaang gagawin niya kay Sep.

Napapanood pa rin ang The Gift sa GMA Telebabad pagkatapos ng Beautiful Justice. Kasama pa rin dito sina Christian Vasquez, Rochelle Pangilinan, Divine Tetay, Mikee Quintos at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending