Teri Onor, Ahwel Paz tumutulong sa mga taga-showbiz nang walang kapalit, walang camera | Bandera

Teri Onor, Ahwel Paz tumutulong sa mga taga-showbiz nang walang kapalit, walang camera

Ronnie Carrasco III - November 18, 2019 - 12:01 AM

AHWEL Paz is to entertainment media as Teri Onor is to fellow comedians.

A celebrity in his own right, si Papa Ahwel kung tawagin is the co-anchor of Jobert Sucaldito sa gabi-gabi nilang showbiz-oriented talk program over DZMM while Teri needs no further intro.

Common to both ay ang itinatawid nilang tulong sa kanilang mga kasamahan.

A media person himself, pitong taon nang pinamumunuan ni Ahwel ang kanyang medical mission (billed as Medical Mission for the Members of the Media or MMMM) para sa mga kapwa niya mamamahayag: print, radio at TV (ewan if bloggers are included).

Kung nakanayan na ng marami sa atin na ipagdiwang ang ating kaarawan by throwing parties o simpleng pagkain lang sa labas mairaos lang ang okasyon, spanning that period ay mas pinipili ni Ahwel to celebrate his birthday sa pamamagitan ng medical mission at De Los Santos Medical Center in Quezon City which normally falls on a Sunday.

Ang gawaing ito ni Ahwel dates back to his SK Chairman days in his barangay in Sampaloc, Manila where he grew up. To this day, ang mga residente ng komunidad na ‘yon ang benepisyaryo ng kanyang taunang feeding mission cum gift giving.

Ahwel also helps generate proceeds for the construction of churches across the country sa pamamagitan ng pagpoprodyus ng benefit concerts.

Doing charity works is where the diminutive radio anchor’s heart is. Kahit na noong nagsisimula na siyang magtrabaho sa DZMM, he has since helped his co-workers (na walang HMO or medical privileges) address their health concerns, from consultation to hospitalization.

Samantala, wala rin palang inilayo si Ahwel kay Teri, now a public servant na produkto ng mga comedy bar. Isang simpleng text o tawag lang sa kanya for medical assistance ay maaaksiyunan agad through medical intervention.

Pagsusulat sa showbiz. Pagkokomedi sa mga bar.

Dalawa ito sa mga trabahong parehong exciting, pero malabong maging sandalan sa oras ng kagipitan o pangangailangan.

Let’s face it, hindi naman sila (o kami) nagmimina ng ginto. Exagg mang matatawag, mahigit lang sa barya-barya ang aming ganansiya unless we have other sources of income.

At dahil ang mga reporter (those who are not employed in newspaper companies) at stand-up comedians are not slaves to bandy clock (as in we’re no regular employees), we don’t enjoy certain benefits.

Dito na pumapasok ang malasakit nina Ahwel at Teri who know what it’s like to be a reporter or a stand-up comedian, respectively.

Ang gastos nga naman para sa konsultasyon o checkup sa doctor ay bale parang sagutin na nila na dapat samantalahin under the conditions we face.

For sure, both Ahwel and Teri even go beyond that. Tiyak na kung kinakailangang bumunot sila sa kanilang mismong bulsa’y ginagawa nila.

The beauty of this is that wala silang inaasahan o hinihinging kapalit sa kanilang gawain. Not monetarily, kundi ang kalampagin naman nila tayo for a need or two, personal or otherwise.

It gladdens their heart na makatulong sila sa kapwa, bagay na nasa isip naman nating lahat na gawin but there can be limitations to it.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pasasaan ba’t lalawak din ang network nina Ahwel at Teri na ‘di na kailangang mangalap ng mga mag-i-sponsor sa kanilang acts of charity. Mga taong may mabubuti ring puso ang mag-uunahan to give their share of help.

Higit pang kapuri-puri sa mga ginagawa nina Ahwel at Teri para sa kanilang mga kabaro ay ang kaibahan nila sa ilang taong mapagkawanggawa nga, pero hindi magsisimulang kumilos kung walang camera sa paligid o presensiya ng media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending