Ka Tunying hindi iiwan ang media kahit 9 na ang resto | Bandera

Ka Tunying hindi iiwan ang media kahit 9 na ang resto

Jun Nardo - November 17, 2019 - 12:50 AM

ANTHONY AT ROSELLE TABERNA

Special guest si Department of Tourism Sec. Berna Romulo sa launching ng Ka Tunying’s Panlasang Makabayan kamakailan sa SM The Block Activity Center.

Ito ay isang panunumpa patterned after ng ating Panatang Makabayan para tangkilikin ang pagkaing Pinoy. Ito’y dahil na rin sa dumaraming Ka Tunying resto na pag-aari ng award-winning broadcast journalist na si Anthony Taberna katuwang ang asawang si Roselle.

Ibinalita rin ni Ka Tunying na meron na silang website at puwede nang umorder online ng food mula sa iba’t ibang branches ng kanilang food business.

Siyam na ang branches ng Ka Tunying. Ang latest branches ay nasa Terminal 3 ng NAIA (international flights) at ‘yung isa ay nagbukas na sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Itinatayo na rin ang flagship branch nito sa Tagaytay City sa Summit Ridge. Kahit puwede nang bumitaw bilang broadcaster, hindi pa rin niya iiwan ang trabahong una niyang minahal at nagpalapit sa kanya sa masang Pilipino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending