Maria may pelikula na, may bagong serye pa | Bandera

Maria may pelikula na, may bagong serye pa

Cristy Fermin |November 17,2019
facebook
share this

Maria may pelikula na, may bagong serye pa

Cristy Fermin - November 17, 2019 - 12:35 AM

MEL MARTINEZ AT MARICEL SORIANO

Malaking-malaki na ang ibinagsak ng timbang ngayon ng Diamond Star. May humpak na ang kanyang magkabilang pisngi na tanda ng pagpayat, hindi na rin dumodoble ang kanyang baba sa pictorial, nagtagumpay si Maricel Soriano sa pagdyi-gym.

’Yun kasi ang matagal na niyang hindi masyadong napagtutuunan ng pansin, hindi tulad nu’ng nabubuhay pa ang kanyang dakilang inang si Mommy Linda Martinez na talagang magkasabay silang nagdyi-gym, kinakarir nila ang pag-eehersisyo.

Masayang-masaya si Mel “Bunso” Martinez sa pagkukuwento nang dumaan ito sa aming gallery. Dumalo si Marya sa selebrasyon ng kanyang kaarawan, nag-dinner silang magkakapatid, saka ilang piling-piling mga kaibigan.

Ipinakita sa amin ni Bunso ang mga pictures nilang magkakapatid, malaki na nga ang ipinayat ng kanyang ate, bumabalik na sa dati ang katawan ng Diamond Star.

Kuwento ni Mel, “Kami-kami lang ang magkakasama sa dinner, kaya puro kuwentuhan ang nangyari sa buong time na nandu’n kami. Si Ate Marya ang bangka nang bangka, aliw na aliw kami sa kanya,” kuwento ni Mel na patuloy na nagtatagumpay sa kanyang negosyong Pan Familia.

Sobrang close sa isa’t isa ang magkakapatid, pinalaki silang magkakabigkis. Para silang walis-tingting na manipis lang pero magkakasama sa anumang laban.

Balik-sigla na ang career ni Maricel, meron siyang pelikulang malapit nang ipalabas, ang “The Heiress” ng Regal Films at may gagawin din siyang bagong serye sa ABS-CBN.

Napakaligaya namin para kay Taray!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending