Coco kay Ion: Alam kong sincere siya, basta alagaan niya si Vice | Bandera

Coco kay Ion: Alam kong sincere siya, basta alagaan niya si Vice

Bandera - November 17, 2019 - 12:15 AM

COCO MARTIN AT VICE GANDA

NANINIWALA ang Teleserye King na si Coco Martin na totoo ang pagmamahal ni Ion Perez sa kaibigan niyang si Vice Ganda.

Muling nagkita at nagkakumustahan sina Coco at Vice nang aksidente silang magkita sa isang restaurant kamakailan.

Ito nga ‘yung naikuwento ng Unkabogable Star na pagkikita nila ng Ang Probinsyano lead star sa isang resto kung saan inilibre pa raw siya ng aktor sa mga nakain niya at dalawa pang kaibigan.

Ayon kay Coco, totoong nagpalibre raw sa kanya si Vice kaya siya na ang nagbayad ng bill nito. Pero aniya, hindi nila napag-usapan si Ion dahil sandali lang silang nakapagchikahan dahil may kanya-kanya silang kasama that time.

Sa isang panayam sa Kapamilya actor, sinabi nitong marami na siyang naririnig tungkol sa relasyon nina Ion at Vice na umaming sila na nga ngayon.

“Naririnig ko mabait, hindi ito ’yung klase ng lalaki na gimik nang gimik… Ganu’n siya ka-sincere sa pagmamahal niya kay Vice,” pahayag ni Coco.

Nang hingan naman ng mensahe para sa magdyowa, may bilin lang daw siya kay Ion, “Lagi niyang alagaan si Vice. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil sa concern na ibinibigay niya at pag-aalaga kay Vice.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending