Promise ni Juris sa repeat ng 10th anniversary concert: Babawi po ako | Bandera

Promise ni Juris sa repeat ng 10th anniversary concert: Babawi po ako

Bandera - November 16, 2019 - 12:20 AM

JURIS FERNANDEZ-LIM

“BABAWI ako!” Yan ang

ipinangako ng award-winning OPM singer na si Juris Fernandez-Lim sa kanyang fans and supporters sa gagawing repeat ng kanyang concert titled “Juris”.

Last June kasi unang ginanap ang nasabing comeback major concert ni Juris pakatapos manganak sa ikalawa niyang baby bilang bahagi ng kanyang 10th anniversary sa music industry as a solo artist. Pero hindi niya naibigay nang bonggang-bongga ang kanyang performance dahil biglang nagkaproblema sa kanyang boses.

Sa ginanap na mediacon para sa repeat ng kanyang concert na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila sa Dec. 14, nag-promise si Juris na this time ay babawi siya sa lahat ng mga na-disappoint o nalungkot sa una niyang show. Though, natapos naman niya ang concert, feeling niya kulang na kulang ang naibigay niyang performance sa audience.

Ayon pa sa Kapamilya singer, excited na siya bumalik sa concert state lalo pa’t ang kaibigan niyang si Ice Seguerra ang magiging special guest niya na siya ring magsisilbing stage director and musical direction by composer Francis Concio.

“Tuwang-tuwa ako at excited ako at babawi ako because during that concert, I think an hour before the show, ‘yung boses ko biglang nagtago. Pero understanding ‘yung mga tao and I had good feedback na rin from them,” paliwanag ni Juris.

“Nu’ng una, the show was too long. Gusto namin ngayon ‘yung hindi sila mapagod at uuwi sila nang punong-puno ng saya from the concert, at hanggang paglabas nila ng venue, kinakanta pa rin nila ‘yung mga narinig nila, yung ma-LSS sila,” dagdag ni Juris.

Ano ang mga dapat abangan ng fans sa kanyang anniversary concert lalo na’t ito nga ang magsisilbing celebration niya sa pagiging OPM icon sa loob ng 10 taon, “Basically if you are in the concert you get the idea of how everything started through the songs, for me. Kahit ‘yung even before ako naging singer, ‘yung simula akong kumanta, through the songs, may kuwento siya.”

“Marami kaming genres during the show. So halo-halo din siya. Different styles, different tastes. So that’s what people can expect when they watch the show,” dugtong pa niya.

In fairness, bago sumikat si Moira at iba pang OPM singers na mahilig sa mga hugot songs, nandiyan na si Juris na talagang nagpapaiyak lagi sa mga taong may pinagdaraanan dahil sa kanyang mga kanta na tagos sa buto at laman ang mensahe.

Pero ngayong mommy na siya may nabago ba sa kanyang style pagdating sa pagkanta? “Wala namang nagbago with my style maybe with the kinds of music that I like to sing. Definitely, hindi siya magbabago ng ganu’n lang because ‘yung mga nakikinig sakin siyempre importante rin kung ano ‘yung mga gusto nila.

“Siguro nagbago ‘yung ‘pag-i-is-schedule ng mga gigs ko ganyan. Medyo nalilimit ‘yung time for that dahil siyempre priority na ang family. ‘Yun lang naman ang nagbago talaga,” aniya.

Kaya sa lahat ng mga naka-miss kay Juris at sa lahat ng mga nanood sa una niyang anniversary concert, ito na ang chance para mas ma-enjoy n’yo ang music ng original hugot singer kung saan makakasama rin niya ang Metro Music Orchestra.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

For tickets, call TicketWorld (8891-9999) o sa Newport Performing Arts Theater.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending