Si sir kilabot ng beki’t matrona | Bandera

Si sir kilabot ng beki’t matrona

Den Macaranas |November 15,2019
facebook
share this

Si sir kilabot ng beki’t matrona

Den Macaranas - November 15, 2019 - 12:15 AM

HANGGANG ngayon ay lapitin pa rin ng mga matrona at beki ang isang local official sa isang lalawigan sa Central Luzon.

Hindi naman naglalagak ng negosyo ang mga ito kundi nag-aalok ng pag-ibig sa ating bida na isa ring dating alagad ng showbiz.

Bagama’t may edad na ay matikas pa rin si Sir, kaya nga di na raw nagtataka ang aking cricket kung bakit hanggang ngayon ay sandamakmak ang mga indecent proposals sa kanya ng mga babaeng naghahanap ng ligaya.

May mga anak si Sir pero mas minarapat niyang manatiling single sa hindi batid na dahilan.

Noong nagdaang eleksyon ay naging puhunan niya ang kanyang pagiging artista kaya marami ang nakuha niyang suporta lalo na sa mga mayayamang matrona sa kanyang lalawigan.

Hindi na rin naman baguhan sa pulitika ang ating bida kaya kabisado na niya ang laro dito ika nga. Alam niya kung kailan mambobola ay kung kailan dapat magseryoso lalo’t mataas na ang narating ng kanyang political career.

Sa ngayon ay napapakinabangan pa rin daw niya ang kanyang charm sa pamamagitan ng pag-attract sa ilang mga negosyante na maglabak ng negosyo sa kanyang teritoryo.

Ito naman ang magiging batayan kung siya ba ay may ibubuga o sadyang puro porma lang tulad ng mga isyung ibinabato sa mga artistang sumusubok rin sa pulitika. Ang bida sa ating kwento na local official na lapitin ng mga mayayamang matrona at beki ay si Mr. D…as in Dalandan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending