Arjo naghahanda na sa future nila ni Maine; may mga pasabog sa 2020
SA unang pagkakataon ay nakorner namin si Art Atayde, ang ama ni Arjo Atayde, pagkatapos ng celebrity screening ng Bagman 2 na ginanap sa Santolan Town Plaza cinema nitong Martes nang gabi.
Sobrang proud siya sa panganay niyang anak lalo’t personal niyang nasaksihan kung paano pinuri ang aktor pagkatapos ng pelikula, “Bagay na bagay silang dalawa (Arjo at Carlo Aquino),” nakangiting sabi ni Papa Art sa amin.
Nabanggit din namin na gustong mag-guest ni Sylvia Sanchez sa Bagman Season 3 para siya raw ang papatay kay Benjo Malaya (karakter ni Arjo), “Puwede, malamang. Ha-hahaha!” tumawang sabi ng ama ng aktor.
Nasabi rin ni Papa Art na may iba pang pangarap si Arjo, ang mag-venture sa isang negosyo na konektado rin sa craft niya.
Mukhang seryoso na nga ang aktor sa kanyang napiling career na ibang-iba noon. Dati gusto lang mag-artista para mabili ang mga gusto niya, pero ngayon ay mega-ipon na siya para sa kanyang future. Sa katunayan, lumipat na siya sa condo na matagal na niyang nabili.
“Oo, gradual niyang ginawa so (he’s living there). Matagal na rin siyang may condo, recently lang siya lumipat. Minsan umuuwi pa rin naman sa bahay,” sabi ng ama ng aktor.
Hirit namin, hudyat na ba ito sa plano ni Arjo na iakyat sa next level ang relasyon nila ng girlfriend na si Maine Mendoza?
“Wala pa sigurong plano, hindi ko pa nakikita, eh. Pero (kung sakali), planuhin niyang mabuti ‘yan dahil may career siya. It has to be planned. Iyon naman ang sinasabi ko sa kanya parati na personal life mo, showbiz will always be connected to your craft so you have to plan it,” ani Papa Art.
“Matanda na siya, alam na niya ang ginagawa niya (sabay tawa). That’s his decision naman, sila ang magsasama hindi naman kami,” sabi pa ng ama ng aktor.
Tungkol naman sa big announcement ni Arjo sa 2020 ay may kinalaman ba rito si Papa Art? “Wala akong alam diyan, may mga naririnig ako pero hindi ako nakikialam.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.