Bagyong Ramon lumakas habang papalapit
MAS lumakas ang bagyong Ramon habang papalapit sa kalupaan ng bansa.
Kung hindi magbabago ng bilis at direksyon ang bagyong Ramon ay maaaring maglandfall sa Isabela-Cagayan area sa Sabado.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay nasa layong 385 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras pa-kanluran hilagang kanluran.
Umaabot sa 65 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin nito malapit sa gitna at pagbugsong 80 kilometro bawat oras.
Ngayong umaga inaasahan na ang bagyo ay nasa layong 180 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.