Ate Guy aprub kay Sanya Lopez bilang bagong Super Gee | Bandera

Ate Guy aprub kay Sanya Lopez bilang bagong Super Gee

Bandera - November 13, 2019 - 12:25 AM

RHEA TAN AT SANYA LOPEZ

KINILIG at super touched ang Kapuso sexy actress na si Sanya Lopez sa mga papuring tinatanggap niya mula sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Kasama si Sanya sa pelikulang “Isa Pang Bahaghari” na pinagbibidaghan nina Ate Guy, Phillip Salvador at Michael de Mesa na nabigong makapasok sa Magic 8 ng 2019 Metro Manila Film Festival.

At dito nga niya napatunayan na ibang klase talaga ang akting ni Ate Guy. Siya ang gumaganap na bunsong anak ng Superstar at ni Kuya Ipe sa movie na idinirek ni Joel Lamangan.

Sa nakaraang mediacon ng bago niyang endorsement, ang Beautederm na pag-aari ng super successful na businesswoman na si Rhea Tan, inamin ni Sanya na inatake siya ng matinding nerbiyos sa mga unang araw ng kanilang shooting.

Pero dahil sa suporta ng kanyang co-stars at ni direk Joel, nagawa naman niya nang tama ang kanyang mga eksena at sana raw ay makasama niya uli sa kanyang future projects ang mga movie icon na nakatrabaho niya sa “Isa Pang Bahaghari.”

Nang matanong ang Kapuso star kung ano pa ang mga memorable bonding moments nila ni Ate Guy habang nasa shooting, “Hindi ko po malilimutan na si Miss Nora Aunor po mismo ang nagsabi sa akin na puwede akong gumanap na Super Gee.”

Ang “Super Gee” ang superhero movie na ginawa ni Ate Guy noong 1973 na hango sa sikat na character sa Darna Komiks.

“Ang sabi niya sa akin, ‘Gusto ko na sana, payagan nila na ikaw ang gumanap. Of course, galing pa mismo kay Miss Nora Aunor, di ba? Sino ba ang hindi tatanggap no’n?

“Siyempre, sino ba naman ang tatanggi, di ba? Miss Nora Aunor na mismo ang nagsabi. Buong puso ko pong tatanggapin!” pahayag pa ni Sanya.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Sanya na isa siya sa mga Kapuso stars na napasama bilang mga bagong ambassador ng Beautederm health and wellness products. Kasama ring ipinakilala sa ginanap na press launch sina Camille Prats, Ken Chan, Pauline Mendoza at Rita Daniela.

“Nakakatuwa na maging ambassador ng mga produktong pinaniniwalaan mo. Actually, ito lang yung product na ginamit ko na natanggal agad yung pimples ko. Ilang araw lang nawala na sila sa mukha ko,” patotoo pang testimonya ni Sanya na bilib na bilin sa magic ni Rhea Tan sa pagpapalago ng negosyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa CEO ng Beautéderm na si Rhea Tan, napili niya sina Camille, Ken, Pauline, Rita at Sanya Lopez bilang mga bagong mukha ng kanyang mga products dahil sa kabaitan ng mga ito inside and out. Bukod kasi sa magagaling na artista ang limang Kapuso stars, effective rin silang mga influencers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending