Anne nagpaliwanag sa madlang pipol kung bakit inilihim muna ang pagbubuntis | Bandera

Anne nagpaliwanag sa madlang pipol kung bakit inilihim muna ang pagbubuntis

Ervin Santiago |November 11,2019
facebook
share this

Anne nagpaliwanag sa madlang pipol kung bakit inilihim muna ang pagbubuntis

Ervin Santiago - November 11, 2019 - 05:18 PM

NAGPALIWANAG ang Kapamilya TV host-actress na si Anne Curtis kung bakit inilihim muna nila ni Erwan Heussaff ang kanyang pagbubuntis.

Maluha-luhang ibinandera ni Anne sa episode kanina ng It’s Showtime ang kanyang pagdadalang-tao. Dito muli niyang ibinalita sa madlang pipol na magiging mommy na siya.

“Lalo nang magiging espesyal ang November sa akin because I’m happy to announce that Erwan and I are expecting. I’m pregnant. Magiging mommy na ako!” pahayag ni Anne sa opening ng Kapamilya noontime show kung saan present din sa studio ang kanyang mommy na si Carmen Curtis-Smith.

“Erwan and I are very, very happy. Again, maraming, maraming salamat to everyone. The overflowing love talaga na we received after announcing yesterday.
“Maraming salamat for the love, madlang people, na binigay ninyo yesterday sa akin, sa asawa kong si Erwan, and for my little one,” pahayag pa ng aktres.

Ayon naman sa co-host ni Anne sa show na si Vhong Navarro, mixed emotions ang naramdaman nila sa Showtime family nang malaman nilang pregnant na ang kanilang kaibigan.

“Noong binanggit sa atin ni Anne ‘yun, una siyempre tuwang tuwa tayong lahat. Pero nagkahalo ng kaba dahil noong ‘Magpasikat Week’, kung anu-ano pa ‘yung ginawa mo. Pero ‘di ba sinabi mo na chine-check mo naman, na nagtatanong ka sa doctor mo, kung safe naman,” sabi ni Vhong.

Sagot naman ni Anne, “Yeah at safe na safe naman.” Dito inamin din ng misis ni Erwan na tanging ang kanyang trainer sa gym ang nakakaalam ng kanyang pagbubuntis that time
Pagkatapos nito, inihayag ni Anne kung bakit sinikreto muna nila ni Erwan ang kanyang pagbubuntis.

“We wanted to keep the baby for us muna. It was really such a nice journey. Medyo nahirapan din kami noong una, kung paano ko ba hindi maipapahalata.
“Pero ang galing din kasi hindi rin siya muna nagpakita masyado. Pero it was nice just to share with Erwan and I. It was our little secret.

“Now, we were ready to share it with the whole world. Kaya ayan, nagpapakita na talaga siya,” aniya pa.

Super happy din si Anne na sa 10th anniversary celebration ng Showtime sumabay ang isa na namang milestone sa kanyang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang saya lang kasi ‘di ba we celebrated 10 years so ang dami ng nangyari sa 10 years ng buhay ko sa Showtime. From being single, nagkaroon ng boyfriend, nagkaroon ng asawa.
“And now, as we celebrate our 11th year in Showtime… I’m now going to be a mom. I’m just so happy to share it with you my Showtime family and of course the madlang people,” lahad pa ni Anne.

Kahapon, Nov. 10 unang ibinahagi nina Anne at Erwan ang good news sa pamamagitan ng isang video kung saan ipinakita ni Anne ang kanyang baby bump.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending