Thia Thomalla pinatay na sa The Gift; Alden nanawagan sa mga Kapuso

November 10,2019
share this

Thia Thomalla pinatay na sa The Gift; Alden nanawagan sa mga Kapuso

November 10,2019
share this

PINATAY na ang karakter ng beauty queen na si Thia Thomalla sa pinag-uusapan at laging trending na Kapuso series na The Gift.

Sa episode ng serye last Friday, ipinakita ang pagkamatay ng dalaga bilang si Faith, ang gumaganap na girlfriend ni Jared (Martin del Rosario) sa kuwento. Siyempre, ikinabigla at ikinalungkot ito ng mga manonood.

Ito ang sinasabi ng lead star ng The Gift na si Alden Richards na pasabog episode ng serye nang makachikahan ng media sa ginanap na charity event ng Ronald McDonald House Charities (RHMC) Philippines sa Mckinley West, Taguig City.

“Unfortunately medyo sad news may mamamatay na character, isa sa mga essential characters. So, kahit kami nagulat kami na na-shoot namin recently ‘yung scene na ‘yun medyo heartbreaking siya,” kuwento ng Asia’s Multimedia Star.

Sa nasabing episode, aksidenteng napatay ni Jared si Faith dahil sa sobrang galit. Nasampal ng dalaga ang kontrabida sa buhay ni Sep nang halikan siya nito hanggang sa sakalin nga ni Jared ang dalaga na siyang eksenang nakita ni Sep sa kanyang pangitain.

Grabe ang eksenang nalaman na ni Sep na namatay si Faith, ramdam na ramdam mo ang sakit at pangungulilang nararamdaman ng binata sa pagkawala ng babaeng kanyang itinatangi.

Ang galing-galing ni Alden sa mga eksena niya sa morgue kung saan dinala ang bangkay ni Faith. Siguradong maraming viewers ang pinaiyak ng nasabing episode dahil sa makatotohanang pagganap ng award-winning Kapuso actor.

Abangan ang mga susunod pang pasabog ng The Gift sa mga susunod na episode, lalo na ngayong sagad na sa buto ang galit ni Jared kay Sep. At hanggang kailan maitatago nina Strawberry (Jo Berry) at Lola Char (Elizabeth Oropesa) kay Sep ang katotohanan tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.

Samantala, tuloy naman ang pagse-share ng blessings ni Alden sa mga nangangailangan nating mga kababayan sa pamamagitan ng pagiging ambassador ng RHMC.

Kasabay nito, hinikayat din ng Kapuso heartthrob ang lahat ng kanyang fans and followers na sumali at tumulong sa gaganaping fun run na “Stripes Run: Run for Reading” sa Mall of Asia sa Dec. 1.

Ang malilikom na halaga sa fun run event na ito ay ido-donate sa mga beneficiaries na tinutulungan ng RHMC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending