Beauty queen palaban sa laplapan, hubaran; tumodo sa LGBT movie na ‘Adan’
KONTROBERSYAL ngayon ang bagong LGBT film ng Viva Films, ang “Adan” na pinagbibidahan ng beauty queen na si Cindy Miranda at ng indie actress na si Rhen Escaño.
Usap-usapan ang trailer ng erotic thriller movie sa social media kung saan may patikim sa mga maiinit na eksena nina Cindy at Rhen bilang lesbian lovers. Ayon sa ilang netizens, parehong palaban ang dalawang aktres sa laplapan at love scene.
Sa lahat ng mga nagtatanong, si Cindy ang nanalong 2008 Miss Teen Philippine Region 1 and Miss Philippines Earth Baguio. Kinoronahan din siyang Bb. Pilipinas Tourism and represented the country in the Miss Tourism Inernational pageant na ginanap sa China kung saan isa siya sa mga napiling semi-finalist.
Naging housemate din siya sa PBB Unlimited at co-host ni Willie Revillame sa show nito noon sa TV5. Ang biggest break niya sa TV ay nang maging bahagi siya ng seryeng La Luna Sangre as one of Richard Gutierrez’ vampire girls.
At dito nga sa “Adan”, produced and written by Yam Laranas, sa direksyon ni Roman Perez Jr., sasabak sa matinding hamon si Cindy bilang tomboy. Aniya, lahat daw ng iniutos ni Direk Roman sa kanila ni Rhen sa movie ay buong-tapang nilang ginawa.
“I’ve never kissed another woman before. May nanligaw sa aking lesbian but I told her I’m straight. But doing kissing scenes with Rhen was easy after we had a workshop at hindi na kami nailang sa isa’t isa.
“I really love to act and I am willing to do anything for the sake of my craft. Iniisip na lang namin ni Ren na we are not who we are but the characters we play in the story,” ani Cindy sa ginanap na presscon ng “Adan” kamakailan.
Ano kaya ang sasabihin ng mga kasamahan niya sa Bb. Pilipinas kapag napanood nila ang “Adan”? “I really want to invite them to watch it kasi wala naman akong dapat ikahiya. I’m very proud of our movie and our performance ni Rhen in ‘Adan.’”
Ayon naman kay Direk Roman, talagang nag-research sila para mas maging makatotohanan ang bawat eksena sa movie, “We interviewed different kinds of lesbians, lipstick, butch, before we wrote the screenplay. This is really a love story, it just so happened that both parties involved are women.”
Sey naman ni Direk Yam, “The movie violates all the rules of what a lesbian movie should be. It would disappoint your expectations and also surprise you at the same time with the violence-thriller part.”
Iikot ang kuwento ng “Adan” sa buhay ng magkaibigang Ellen (Rhen) at Marian (Cindy) na nagdesisyong i-level up ang relasyon bilang magdyowa. Ngunit may haharapin silang panganib na susubok sa kanilang pagsasama. Si Ellen ang magiging prime suspect sa pagkamatay ng kanyang tatay.
Ang kaso ay hawak ng isang pulis na si Inspector Abraham (Epy Quizon). Gagawin niya ang lahat para makulong ang dalaga, ngunit hindi niya maiwasang mahumaling sa ganda nito.
Sa pagtakas nina Ellen at Marian, magsisimula silang magduda sa isa’t isa. Bawat isa ay may tinatagong lihim at sisirain sila ng kasinungalingan. Dito na magsisimula ang sunud-sunod na pasabog ng pelikula.
Makakasama rin sa “Adan” sina Bembol Roco at Epy Quizon at showing na sa Nov. 20 sa lahat ng sinehan nationwide.
By the way, ang classic OPM song na “Himig ng Pag-ibig” ng bandang Asin ang official theme song ng pelikula, na binigyan ng bagong version ng Viva artist na Shanne Dandan.
Palabas na ang “Adan” sa sinehan simula sa Nov. 20. Mula sa Viva Films, in cooperation with Aliud Entertainment at ImaginePerSecond.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.