Maine nag-taping pa rin sa Eat Bulaga kahit nilalagnat
TULOY pa rin si Maine Mendoza sa taping para sa ilang episodes ng Eat Bulaga nitong nakaraang mga araw kahit nilalagnat, ayon sa manager niyang si Rams David.
Kasama kasing pupunta sa Dubai si Meng para sa Eat Bulaga show sa Nov. 15 kaya nag-advance taping ang noontime show.
Kaya naman mas bumilib pa ang mga kasamahan niyang Dabarkads sa ipinakita niyang professionalism. Imagine, masama na ang pakiramdam mo pero nagtrabaho ka pa rin.
Samantala, isa si Maine sa nagbigay ng mensahe sa dating Kapamilya actress na si Kisses Delavin nang pumirma ito ng management contract sa Triple AAA.
Makakasama na ni Kisses sa nasabing management team ang Phenomenal Star at ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Ayon naman sa Triple AAA boss na si Mike Tuviera, tatlong movies ang gagawin ni Kisses next year, isang romcom, isang family ensemble drama at may heavy drama pa.
Tapos na ang kontrata ni Kisses sa Star Magic at maayos siyang nagpaalam kaya walang isyu ang paglipat niya sa Triple AAA.
Saad niya, nakilala niya si Rams David through Marian Rivera sa event ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation at sinundan ito ng meet up nila sa isang fashion show.
Nang tanungin naman si Kisses tungkol kay Marian, “She’s gorgeous!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.