CLAUDINE nagsampa na ng temporary protection order laban kay RAYMART | Bandera

CLAUDINE nagsampa na ng temporary protection order laban kay RAYMART

Jobert Sucaldito - July 30, 2013 - 03:00 AM


I RECEIVED an urgent call from Papa Ahwel Paz asking me kung tumawag na raw ba sa akin si kaibigang Atty. Ferdie Topacio. Kasi raw, balak daw mag-file ni Claudine Barretto ng Temporary Protection Order laban sa estranged husband nitong si Raymart Santiago.

I checked on my phone at meron nga akong missed call from Atty. Topacio. I immediately returned his call. Tinanong ko siya kung nakapag-file na si Claudine ng kaso laban kay Raymart.

“Mga 15 minutes ago lang kami nag-file sa Marikina. Hinihiling niya na bigyan siya ng TPO, para hindi makalapit at a certian distance si Raymart sa kaniya at sa mga anak nila.

We have just filed it at maghihintay na lang tayo ng desisyon ng korte,” ani Atty. Ferdie Topacio sa inyong lingkod. A few minutes after, kaybilis talaga ni Papa Ahwel Paz, parang kidlat siyang kasama na sa scene si Atty. Topacio, napanood ko sa program ni Papa Richard Steel via 3G na iniinterbyu na niya ang abogado.

Agad-agad? Very exclusive ang panayam niya kay Atty. Topacio – Claudine was not in sight kasi nga raw, nag-breakdown daw ito pagkagaling sa korte.

Nabanggit sa interbyuhan nila ni Papa Ahwel na meron daw high-powered guns si Raymart at para sa safety daw nilang mag-iina kaya siya nag-file ng TPO sa Marikina court.

Tinanong din ni Papa Ahwel si Atty. Topacio kung ito raw bang simula ng court battle nina Claudine at Raymart ay mauuwi na sa annulment?

“Hindi pa namin napag-usapan iyan. Claudine came to me last Saturday para i-represent ko siya. Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa annulment –one case at a time lang muna siguro,” aniya pa.

Nalungkot akong bigla sa naging takbo ng marital life nina Claudine at Raymart. Nauwi na sila sa korte at nagulat akong lalo sa sinabi ng kampo ni Claudine that Raymart possesses high-powered guns.

Talaga? Hindi ko naisip that he owns guns and high-caliber pa. Pero hindi ko naman nakikita sa personality ni Raymart ang manakit ng babae, much more sa dati niyang asawa and their children.

Wala sa personality ni Raymart ang ganoon. Pero siyempre, we have to respect their moves – even Claudine’s dahil karapatan naman ng bawat isa sa atin ang magsampa ng kaso kahit kanino if we feel that our rights are violated or para na rin sa proteksiyon ng lahat. Let’s just wait for further developments na lang, okay?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending