Eastern Samar niyanig ng magnitude 5.1 lindol

By Leifbilly Begas November 08,2019
share this

Eastern Samar niyanig ng magnitude 5.1 lindol

By Leifbilly Begas November 08,2019
share this

NIYANIG ng magnitude 5.1 lindol ang Eastern Samar Biyernes ng hapon, ang araw ng ika-anim na taong anibersaryo ng pagragasa ng super typhoon Yolanda sa rehiyon.

Naramdaman ang lindol ala-1:31 ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Ang epicenter nito ay 33 kilometro sa kanluran ng Guiuan at may lalim na tatlong kilometro.

May lakas na Intensity IV ang naramdaman sa Borongan City.

Intensity III naman sa Palo, Leyte at San Francisco, Southern Leyte.

Intensity II naman sa Surigao City at Intensity I sa Ormoc City at Gingoog City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending