Neri napatili sa ‘Sarah-Matteo engagement’, mamimigay ng burger: Nakakaiyak naman ‘to

By Jun Nardo November 09,2019
share this

Neri napatili sa ‘Sarah-Matteo engagement’, mamimigay ng burger: Nakakaiyak naman ‘to

By Jun Nardo November 09,2019
share this

NERI NAIG

Nagulantang si Chito Miranda nang magsisigaw ang asawang si Neri Naig na nasa taas ng kanilang bahay.

Nasa ibabang bahagi raw ng kanilang house ang Parokya Ni Edgar vocalist ayon sa tweet niya.

Ang dahilan ng pagtili ni Neri ay ang balitang engaged na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, huh!

Ayon sa mahabang tweet ni Neri, kahit hindi siya kilala nina Sarah at Matteo, naiyak siya sa saya sa engagement ng dalawa nitong nakaraang araw.

Payo niya kay Matteo, “Please ingatan mo si Sarah. She deserves to be happy.”

Dahil sa matinding saya, binalak magpapansit ng asawa ni Chito bilang selebrasyon at sasamahan pa raw niya ng lumpia.

Ulit niya, “Nakakaiyak. Sobrang masaya ako para sa inyo. Di pa tayo close nyan, ha? Hahaha.”

Kung hindi makakapagpapansit, bibili na lang si Neri ng burger at ipamimigay sa bawat makasalubong niya dahil sa sobrang kaligayahan.

Of course, hindi lang sina Neri at Chito ang masaya sa engagement nina SG at Matt kungdi pati na rin ang ibang celebrities na nakasubaybay sa personal na buhay at career ni Sarah sa showbiz hanggang sa pagkakaroon ng boyfriend na hindi nagbigay ng problema sa kanya!

Samantala, one year na palang engaged sina Sarah at Matteo, ayon mismo sa kapatid ng aktor na si Paolo Guidicelli.

Sa kanyang Instagram Stories, ibinuking ni Paolo ang sikreto ng kanyang kuya at ni Sarah. Aniya sa kanyang caption, “Congrats. They were engaged for about a year now. It was just a secret.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending