Robredo tinanggap na ang posisyon bilang drug czar | Bandera

Robredo tinanggap na ang posisyon bilang drug czar

- November 06, 2019 - 01:43 PM

TINANGGAP na ni Vice President Leni Robredo ang posisyon na alok sa kanya ni Pangulong Duterte matapos naman siyang italaga bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Inihayag ni Robredo ang kanyang desisyon isang araw matapos ipalabas ng Malacañang ang memorandum ni Duterte kung saan itinalaga siya bilang drug czar kung saan makakahati niya sa posisyon si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino.

Nauna nang tahimik si Robredo sa alok na posisyon kung saan sinabi ng kanyang tagapagsalita na si Barry Gutierrez na isang ‘problematic’ memorandum ang inilabas ni Duterte kung saan inalok siya ng ‘non-existent post’ base sa Executive Order No. 15.

Sa ilalim ng memorandum na inilabas ni Duterte, tatagal hanggang Hunyo 2022 ang pagiging drug czar ni Robredo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending