Aga, Alice nanggulat: Pasabog ang akting sa 'Nuuk' | Bandera

Aga, Alice nanggulat: Pasabog ang akting sa ‘Nuuk’

Jun Nardo |November 06,2019
facebook
share this

Aga, Alice nanggulat: Pasabog ang akting sa ‘Nuuk’

Jun Nardo - November 06, 2019 - 12:55 AM

ALICE DIXSON AT AGA MUHLACH

ANG galing ng performance nina Aga Mulach at Alice Dixson sa psycho thriller movie na “Nuuk” mula sa Viva Films.

Deceiving ang character ni Aga sa pelikula, habang “complex” at physically challenging naman ang role ni Alice na namatayan ng asawa sa Nuuk, Greenland at may pasaway pang anak.

Sa kuwento, nagkakilala sina Alice at Aga sa isang drug store sa Nuuk hanggang sa maging magkaibigan at nagkagustuhan.

Pero sa bandang huli, lumabas ang tunay na motibo ni Aga sa pagiging malapit kay Alice. At dito muling pinatunayan ng aktor na wala pa ring kupas ang kanyang galing kahit sa mga offbeat roles.

Hindi na namin ikukuwento pa ang ibang detalye at highlights ng movie dahil ayaw naming lumabas na spoiler. Mas maganda kung panonoorin n’yo para mas maka-relate kayo.

May social relevance rin ang “Nuuk” dahil ilang napapanahong issue ang tinalakay sa pelikula, lalo na ang usapin tungkol sa depression.

Na-capture ni direk Veronica Velasco ang nais iparating ng movie lalo na’t nag-swak ang lokasyon ng pelikula sa kuwento at sa masalimuot na pinagdaraanan ng mga pangunahing karakter.

Pero pinangungunahan na namin kayo, hindi love story ang “Nuuk” pero may maiinit na mga eksena sina Aga at Alice.

Ang “Nuuk” ay capital city ng bansang Greenland. Malamig, malungkot at mahiwaga gaya ng kuwento at characters sa latest offering ng Viva Films.

Showing na ito ngayon and see the movie from the beginning to end, huh! Magugulat din kayo sa twist at ending at maiintindihan kung bakit ganu’n ang itinakbo ng movie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending