outbrain

Barretto scandal parang lindol lang, sunud-sunod ang pasabog na aftershock

By Cristy Fermin November 06,2019
share this

Barretto scandal parang lindol lang, sunud-sunod ang pasabog na aftershock

By Cristy Fermin November 06,2019
share this

CLAUDINE, MARJORIE AT GRETCHEN BARRETTO

Sinasabi na nga ba. Kapag hindi tumigil ang magkakapatid na Barretto sa kanilang pagbubungilan ay siguradong hahantong sa korte ang kanilang problema.

Akala ng marami ay tapos na ang kanilang away nang ilibing ang kanilang ama, pero hindi pa pala, kumbaga sa lindol ay sunud-sunod na aftershock pa ang naglabasan.

Sobra-sobra nga yata ang panahon nina Gretchen at Claudine para palaging tutukan ang buhay ng kanilang kapatid na si Marjorie. Ayaw talaga nilang lubayan si Marj, araw-araw ay meron silang pasabog, nakakalungkot ang ganu’n para sa isang pamilya.

Hinahamon ngayon ni Marjorie si Claudine na patunayan sa korte ang mga ibinabato nitong akusasyon, hindi na basta sa social media lang ang gusto mangyari ngayon ni Marjorie, kailangang magkita na sila sa husgado.

Kauna-unawa ang ganu’ng kilos, kapag nga naman nananahimik ka na, pero patuloy ka pa ring binubulabog ay saan ka pa nga ba naman magsusumbong?

Kagagandang babae, sabi nga ng kaibigan naming propesor, pero bakit ganito ang mga ugali? Para bang hindi isang sinapupunan lang ang kanilang pinanggalingan, parang hindi sila magkakadugo, dahil sa pag-aaway na ipinagbabanduhan pa nila sa buong mundo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending