Horoscope, Nov. 5, 2019 | Bandera

Horoscope, Nov. 5, 2019

Madam Sophia |November 05,2019
facebook
share this

Horoscope, Nov. 5, 2019

Madam Sophia - November 05, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magiging maganda ang pasok ng Nobyembre lalo na sa pera at magtutuloy-tuloy na ito hanggang sa Disyembre. Sa lovelife, tuloy ang masayang pakikipagrelasyon sa isang nilalang na medyo kayumanggi ang kulay ng balat. Mapalad ang 1, 8, 23, 30, 43 at 49. Red at blue ang buenas. Swerte sa initial na A. at V.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa isang pagtitipon, imbitahan ang mga kaibigan, maaari mo silang pagkakakitaan. Sa lovelife, makuntento sa kasuyong Libra, alalahanin mong masarap siyang romomansa kaysa hindi mo siya dapat ipagpalit sa iba. Mapalad ang 4, 17, 24, 33, 42 at 47. Purple at green ang buenas. Swerte sa initial na J. at M.

Taurus – (April 20-May 20)—Mukhang napapabayaan mo na ang iyong itsura. Magpaganda upang magtuloy-tuloy ang pasok ng suwerte at magandang kapalaran sa pagtatapos ng taong 2019 at sa pagpasok ng taong 2020. Wag kalilimutang ang ganda ang paraan upang pumasok ang mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa iyong buhay. Mapalad ang 2, 17, 26, 34, 40 at 48, Bukod sa pula mapalad din ang green. Swerte sa initial na D. at B.

Gemini – (May 21-June 21)—Hihigupin ka ngayon ng suwerte dahil kahit ayaw mo, may mga pangyayaring madadagdagan ng madadagdagan ang inyong income. Sa lovelife may hinahandang sopresa sa iyo ang iyong kasuyo na sa ngayon ay hindi mo na dapat malaman, pero sa paskong darating malalaman mo rin ito. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Orange at maroon ang buenas. Swerte sa initial na M. at V.

Cancer – (June 22- July 22)—Tanging tadhana ang makapagsasabi kung may ligaya pang naghihintay! Ngunit hindi dapat malungkot, may isang nilalang na matagal na sa iyong naghihintay – wag ka ng umarte-arte pa – sunggab agad ang dapat! Sa pinansiyal, hindi dapat tipirin ang sarili kung kalusugan mo na ang nakataya. Mapalad ang 1, 9, 18, 28, 39, at 47. Red at black ang buenas. Swerte sa initial na C. at G.

Leo – (July 23 – August 22)— Hindi dapat mabahala, parating na ang malaking bulto ng su-werte lalo na sa aspeto ng salapi at kadatungan. Sa lovelife, magpasalamat sa kasuyong galante, makakatikim ka na naman sa kanya ng mamahaling regalo. Suwerteng pang-exchange gift ang coffee mug at payong. Mapalad ang 5, 17, 23, 33, 41 at 46. “White at old rose ang buenas. Swerte sa initial na R. at H.

Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi dapat kagalitan ang mga tatanga-tanga, napaghahalata tuloy na ikaw man ay may makitid na isipan. Kung ayaw nilang gawin ang tama, ipakita mo sa sarili mong halimbawa. Sa lovelife, isang isinilang sa buwan ng Enero ang may lihim na pagtingin sa iyo. Mapalad ang 4, 8, 22, 32, 37 at 49. Red at gold ang buenas. Swerte sa initial na K. at N.

Libra – (September 23-October 23)—May magte-text, isang misteryosong nilalang ang lihim na nagkakagusto sa iyo na ayaw magpagkilala. Wag mong “replayan” para lalong manabik. Sa pinansyal, imbis na ubusin ang oras sa pagpe-Facebook, mag-isip ng pagkakakitaan ngayong kapaskuhan. Mapalad ang 7, 19, 25, 29, 35 at 49. Green at blue ang buenas. Swerte sa initial na C. at S.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Labis ang pagmamahal sa iyo ng kasuyo kaya siya nagiging matampuhin, lambingin mo upang mawala na ang kanyang sumpong. Sa pinansyal at kadatungan, kalakal na may kaugnayan sa pagkain, ang magpapaunlad ng inyong kabuhayan. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Beige at red ang buenas. Swerte sa initial na P. at J.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— May bababala ng karamdaman! Pahinga muna sa tabaho ang dapat! Mag-libang, makinig ng musika habang nagpe-Facebook. Sa lovelife, iwasang makipag-chat sa mga hindi kakilala, baka mahulog ka sa maling relasyon. Mapalad ang 3, 8, 15, 26, 34, at 43. Maroon at orange ang buenas. Swerte sa initial na A. at T.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi mo madadala sa langit ang pera! Masarap magtulog sa kawayang papag na payapa ang kalooban, kaysa sa kamang malambot na maraming iniisip. Sa lovelife, hindi matutumbasan ng salapi ang pagmamahal ng kasuyong Cancer. Mapalad ang 4, 13, 22, 38, 41 at 48. Pink at maroon ang buenas. Swerte sa initial na P. at A.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Huwag masyadong abusuhin ang katawan sa mga bagay na hindi naman nakatuon sa pagkakaperahan. Sa lovelife, mas magiging masigla ang aksyon kung bago magniig hihigop muna ng mainit na kape. Mapalad ang 4, 17, 28, 34, 41, at 49. Gray at yellow ang buenas. Swerte sa initial na I. at W.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ngayon palang iplano na ang gagawin sa 13th month pay. Sa halip na ubusin sa walang kapararakang pag-gasta, ilagay ito sa proyektong pagkakakitaan. Sikaping unawain ang kasuyong Cancer, at kumbinsehin na rin siyang magtipid-tipid ngayong kapaskuhan. Mapalad ang 2, 7, 29, 32, 37 at 46. Blue at gold ang buenas. Swerte sa initial na M. at U.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending