Nadine, James 4 taon nang magka-live in pero walang balak magkaanak
APAT na taon nang magkarelasyon sina James Reid at Nadine Lustre at inamin na rin nila kamakailan na sila’y nagsasama na isang bubong kahit hindi pa kasal.
Pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak at mukhang hindi pa rin nila napag-uusapan ang pagpapakasal.
Sa panayam kay James sa Tonight with Boy Abunda, diretso nitong sinabi na hindi niya naiisip na magkaanak kahit na matagal na silang nagsasama ni Nadine.
“Where I am right now, I don’t even know if I can, like, have kids. I would love to, I would love to have kids, but I just feel like the state of the world right now.
“I don’t know if I wanna bring, you know, another life into the world the way it is now,” lahad pa ng aktor.
Um-agree naman ang Kapamilya actress sa paniniwala ni James na hindi pa ito ang tamang panahon para mabuntis siya at magka-baby. Isa sa mga tinukoy nilang dahilan ay ang pagiging magulo ng mundo.
“I agree! Nagulat ako kasi well for one, we’re both still young parang wala pa ako sa ganoong headspace, malayo pa ‘yun matagal na matagal pa ‘yun,” ani Nadine sa panayam din sa kanya ng TWBA.
Ipinaliwanag din ni Nadine kung bakit “not sure” ang sagot ni James sa tanong kung gusto pa ba nitong magkaanak.
“Ako rin, I agree with him. Ngayon kasi medyo maraming nangyayari sa mundo natin na hindi tayo sure like a lot of stuff is happening. And I’m not yet ready kasi marami pa akong gustong gawin,” paliwanag pa ni Nadine.
Hirit pa ng Multimedia Princess, mas okay daw na may kanya-kanya silang projects ngayon ni James dahil may mga bago silang napag-uusapan kapag magkasama na sila sa bahay bilang couple.
Naniniwala naman si Nadine na magiging mabuting tatay si James sakaling magka-baby na sila in the future, “All the things that sinasabi niya sa akin about life in general, I’ve learned so much from him, like so much talaga.”
At sakaling mapanood daw ng magiging anak nila ni Nadine ang kanyang interview, ano ang mensaheng nais niyang sabihin? “I’m sorry that things have gotten this way.
“Because the only thing I can think of is, like, imagining the world what it’s gonna be, like, in 20 years and we haven’t changed the way, you know, that we lived.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.