Zombie costume ni Maine sa ‘Bulaga’ pinusuan ni Liza
PANALUNG-PANALO ang Halloween costume ni Maine Mendoza bilang zombie sa Oct. 31 episode ng Eat Bulaga. Two thumbs up at like na like ng netizens ang kanyang Undas look.
Hirap man siyang magsalita, epektibo naman ang buong mukha niya bilang zombie, effort kung effort talaga ang TV host-actress.
Of course, hindi lang si Meng ang kumarir sa costume niya dahil kinarir din ng iba pang EB Dabarkads ang costume nila. Inilabas sa Instagram ng Eat Bulaga ang litrato ng mga hosts with their Halloween look.
Si Ryzza Mae Dizon ay nag-ala Pennywise; Queen of the Jungle naman si Pauleen Luna; Bangkay naman si Anjo Yllana; naging Tiyanak si Baste; at Multong Bakla naman si Allan K.
Binuhay naman ni Joey de Leon si Elvis Presley bilang Elvis Presto; Tambay na Holdaper si Jose Manalo; Uncle Feser ng Addam’s Family si Wally Bayola; Tsismosang Kapitbahay sina Ryan Agoncillo at Ruby Rodriguez; at Zombie nga si Maine.
Hindi lang ang mga Kapuso stars ang napa-wow sa mga Halloween costume ng EB Dabarkads dahil kahit sina Liza Soberano, Liz Uy at Isabelle Daza ay napanganga sa pasabog zombie look ni Maine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.