SUMAMPA muli sa 187 meter ang water level ng Angat dam, ayon sa datos ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Mula sa 186.87 metro noong Huwebes ng umaga, umakyat ang lebel ng tubig sa 187.14 metro o pagtaas na 0.27 metro.
Pero malayo pa rin ito sa normal high water level na 210 metro kaya binawasan ang suplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig probinsya na nagresulta sa mga water service interruption.
Umapela naman si ACT-CIS Rep. Niña Taduran sa gobyerno na mahigpit na ipatupad ang mga batas na nagbibigay ng proteksyon sa Laguna Lake upang madagdagan ang tubig na kinukuha dito upang isuplay sa mga kabahayan.
“It will be a tall task, considering the degradation of the water quality in Laguna Lake. But with the proper implementation of laws like R.A. 4850 and R.A. 9275 as well as the funding for its rehabilitation and application of modern technology, Laguna Lake can be a good source of potable water,” ani Taduran.
Ang RA 4850 ay ang bumuo sa Laguna Lake Development Authority samantalang ang RA 9275 ay ang Act on Water Quality Management.
“Both laws should be prohibiting and penalizing pollutants and abusers of the lake, including those who keep on building illegal fish pens,” saad ng lady solon.
Dapat din umanong ipagbawal ang pagtatayo ng mga bagong imprastraktura sa lawa.
“Reforestation should be done around the lake, including the hills surrounding the area. This could also help in preventing flooding when the lake swells during heavy rains.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.