Duterte biktima ng fake news; Palasyo umalma | Bandera

Duterte biktima ng fake news; Palasyo umalma

Bella Cariaso - November 01, 2019 - 05:35 PM

UMALMA ang Palasyo sa pagkalat ng fake news kung saan sinabihan umano si Pangulong Duterte ng hari ng Thailand na mag-behave sa kanyang pagdalo sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit mula Nobyembre 2 hanggang Nobyembre 4.

Sa isang video message, kinondena ni Communications Secretary Martin Andanar ang pagkalat ng fake news kung saan pinalitan ang isa sa headline ng Bangkok Post at nilagyan ng ‘King orders PH Duterte, behave during ASEAN summit’.

“Meron pong mga ma-lisyoso na gumawa ng fake news na nakalagay dito na pinagsabihan daw ng hari si Presidente Duterte na mag behave. Kitang-kita naman dito na iba ang nakasulat, see iba po ang nakasulat dito, ang pinag-usapan dito ay five generation na cellphone, so obvious talaga na fake news ang pinalabas,” sabi ni Andanar.

Nakatakdang umalis ngayong araw si Duterte para dumalo sa ASEAN Summit.

“Alam nyo kapag gumawa kayo ng fake news na ganyan, na ginagamit ninyo ang pangalan ng hari dito sa Bangkok, Thailand, puwede kayong makulong ng labing limang taon dahil sa kanilang lese majeste law na kapag binastos niyo ang revered na hari ay diretso kayo sa loob ng kulungan, kaya sana wag tayo gumawa ng ganung klaseng fake news. Nakakasira po yan ng bilateral relations ng dalawang banda,” dagdag ni Andanar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending