'Napakasarap panoorin gabi-gabi ng The Gift ni Alden' | Bandera

‘Napakasarap panoorin gabi-gabi ng The Gift ni Alden’

Cristy Fermin - November 01, 2019 - 12:30 AM

ALDEN RICHARDS

Napakabilis ng mga tagpo sa The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards. Masarap sa pakiramdam ng manonood ang ganu’n na hindi parang lastikong hinihila palagi ang daloy ng kuwento ng serye para lang tumagal.

Ibinibigay ng The Gift ang tamang timpla ng istorya sa kanilang manonood. Hindi nakaiinip ang kuwento, gabi-gabi ay may bagong nagaganap, kaya masarap sundan ang serye ng Pambansang Bae.

Sa pinakahuling episode na tinutukan namin ay mukhang magkakaroon na ng katuparan ang pangarap ni Joseph na makilala hindi lang ang kanyang tunay na ama kundi pati kung sino ang tunay niyang ina.

Plakado ng guwapong aktor ang kilos ng isang bulag, hindi naliligaw sa kanyang role si Alden, napakaguwapong bulag sabi nga ng kanyang mga tagasuporta.

Napakalaki ng ihinusay sa pag-arte ni Alden, totoong-totoo ang komento ng mga kritiko na hindi na siya basta guwapong artista na lang ngayon, aktor na siyang maituturing.

Nagkaroon din nang napakalaking bentahe para sa career ni Alden ang nakaraan nilang matagumpay na pagtatambal ni Kathryn Bernardo. Isa na siya sa nasa listahan ngayon ng mga importanteng artista ng industriya.

Sa ganda ng kanyang puso, sa kawalan ng kaangasan kahit pa sikat na sikat na siya, lahat ng mga pangarap ng Pambansang Bae ay matutupad talaga dahil mahal siya ng kapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending