Kilalang aktres na naging kabit sinugod ang legal wife ng dyowa, nag-iskandalo! | Bandera

Kilalang aktres na naging kabit sinugod ang legal wife ng dyowa, nag-iskandalo!

Cristy Fermin - November 01, 2019 - 12:25 AM

MAGULO, kontrobersiyal at makulay ang nakaraang buhay ng isang pamosong female personality.

Marami siyang ginawang kalokahan na kapag naaalala niya ngayon ay hiyang-hiya siya sa kanyang sarili.

Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig ang tangi na lang niyang masasabi ngayon, kapag pinaglaruan nga naman ni Kupido ang puso ninuman, lahat ng katwiran ay nakakalimutan.

Kuwento ng aming source, “Pinagtatawanan na lang niya ngayon ang mga kagagahang ginagawa niya nu’n nang dahil sa pag-ibig! Hindi pa siya kasikatan nu’n, nag-uumpisa pa lang siya, pero may promise nang sumikat siya dahil talented talaga ang potah!

“Matapang ang hiya, may timing sa pagpapatawa, karakter ang babaeng ‘yun, kaya alam mong magsu-survive talaga siya!” unang kuwento ng impormante tungkol sa sikat na babaeng personalidad.

Dahil sa sobrang pagmamahal sa isang pamilyado nang singer ay malapit nang tumalon sa bubong ang female personality. Nagwawala siya nu’n, sobrang selos na selos, kaya gusto na niyang lumipad mula sa bubong.

Patuloy ng aming source, “Nag-away kasi sila nu’ng singer, matinding magselos ang lola n’yo, wala siya sa katwiran! Nagkainitan sila, kaya ang ginawa ng lokah, malapit na siyang tumalon sa bubong!

“Buti, napigilan siya ng boyfriend niya, dahil kung hindi, matagal na siyang six feet under the ground!” natatawang pag-alala ng source.

Dumating pa siya sa point na sinugod niya ang misis ng male singer sa pinagtatrabahuhan nito. Inaway niya ang babae sa harap ng mga kaopisina nito.

“Napakarami niyang nagawang kagagahan nu’n in the name of love sa maling panahon. Sumugod siya sa opisina ng girl, nagwala siya du’n, nakikilala na siya nu’ng mga panahong ‘yun!

“Natural, mistress lang siya, di ba? Naghahanap siya ng time, pero alam niya naman na hindi ‘yun maibibigay sa kanya nu’ng guy, dahil family man na nga!

“Ngayon, e, pinagtatawanan na lang niya ‘yun, hiyang-hiya siya sa sarili niya, kasi nga, kung anu-ano ang mga nagawa niya dahil sa pag-ibig na walang dangal!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ngayon, legal wife na siya at maganda ang buhay niya, ha? May peace of mind na siya, wala na siyang mga insecurities, nasa kanya na ang lahat-lahat ngayon!

“Ay, ay naman! Wala na siyang mahihiling pa ngayon, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, walang-wala na!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending