Neri Naig may ‘6-week challenge’ para makaipon bago mag-Pasko | Bandera

Neri Naig may ‘6-week challenge’ para makaipon bago mag-Pasko

Bandera - November 01, 2019 - 12:10 AM

NERI NAIG AT CHITO MIRANDA

NAPE-PRESSURE na ba kayo ngayong palapit na nang palapit ang Pasko? Wala pa ba kayong naitatabing budget para sa darating na holiday season?

Huwag masyadong mag-alala dahil may ilang linggo pa kayo para makapag-ipon ng sapat na halaga para panggastos sa darating na Christmas.

Bukod sa mga naiisip n’yong paraan para makaipon ng malaki-laking halaga, nagbigay ng tips ang actress-businesswoman na si Neri Naig para makapag-save kahit malapit na ang Pasko – ito ang “6 week challenge!”

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang misis ng Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda ng paraan para makaipon.

“Paano? Mag iipon tayo ng P500 kada linggo. Kaya tipid tipid kung gustong ma-achieve ang P3000 bago mag Pasko!

“Simulan natin ngayong November. Malaki rin ang P3000 ha! Pangdagdag Noche Buena, o maibibili mo ng mga regalo ang mga mahal mo sa buhay, pwede rin mabibilan mo ang sarili mo ng gift ngayong Pasko.

“Maganda rin na ilagay sa bangko at ipagpatuloy ang pag iipon! Pero ang mas maganda yung mag iipon ka para may pambayad ka sa mga nautangan mo na ang tagal mo nang hindi nababayaran, hehe!

“Gipit na ako, Neri! Walang extrang natitira sa sahod ko.

“Pero may time kang bumili ng mga mamahaling kape ng ilang beses sa isang linggo sabay post sa social media? May time din sa inuman, always present! O nakabili ng bagong phone? Ay wait, yung mamahaling telepono pero hulugan kahit gipit na. Gipit na gipit na yan ha?

“Pero kung ikaw ay gustong magbago at handang mag ipon para sa future. Tara, samahan mo akong mag ipon. Hindi pa huli ang lahat. Kayang kaya mong maging milyonaryo kahit gaano pa katagal, makakamit mo rin yan! Basta may right attitude, walang imposible!

“Kailangang magtiis. Luho ay isang temptation. Ask yourself, kailangan ko ba nito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Handa ka na bang alisin ang mga luho? At magsimula nang mag ipon? At makakabayad na ng mga utang? Hehe!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending