Pa-probinsya binalaan: Wag magdala ng pork products | Bandera

Pa-probinsya binalaan: Wag magdala ng pork products

Leifbilly Begas - October 31, 2019 - 06:25 PM

KUKUMPISKAHIN ng otoridad sa mga bus terminal, partikular sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City, ang mga pork products na bibitbitin ng mga uuwi ng probinsya.

Ngayong araw ay nagpaskil ng mga poster ang mga tauhan ng Bureau of Animal Industry sa nasabing bus terminal na nag-uutos sa mga bibiyahe na huwag magdala ng pork products upang hindi kumalat ang African swine fever.

“Pagtulungan nating sugpuin ang African Swine Fever. Huwag magdala o magpadala ng anumang uri ng karneng baboy,” ang nakasulat sa poster. “Maaaring maging sanhi ito ng pagkalat ng ASF virus sa iba’t-ibang probinsiya.”

Ito ang unang beses na naglagay ng nasabing poster sa bus terminal, ani Araneta bus station general manager Ramon Legazpi.

Bubusisiin ang mga bagahe ng mga bibiyahe pag pasok sa terminal upang masiguro na wala silang dalang karneng baboy.

“May mga entances tayo so binubuksan naman natin ‘yung ibang mga bagahe nila so nakiusap pa ang Department of Agriculture for the campaign against dito sa African swine fever,” aniya.

“Ina-advise na nila doon sa mga babiyahe ng meat products ay dapat ma-check ito para hindi natin madala sa probinsya,” dagdag niya.

Sakaling may nakitang pork products sa bagahe ay “isasangguni natin sa police help desk natin, may tauhan din naman ‘yung DA na may station dito para sila mismo ang mag-decide on the matter,” ani Legazpi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending