Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansyal at kadatungan, darating na ang malaking halaga hulog ng langit. Sa lovelife, bahaginan ang kasuyo sa anumang grasyang matatanggap, upang lalo ka pa niyang mahalin. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Pink at green ang buenas. Swerte sa initial na H. at D.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansyal kahit na maraming gastusing kinakaharap, kailangan pa ring magtipid. Sa lovelife, ngayong panahon ng All Saint Day, may masarap na suyuang mabubuo. Mapalad ang 2, 6, 24, 34, 43 at 49. Red at yellow ang buenas. Swete sa initial na A. at W,
Taurus – (April 20-May 20)—Higit kang mas magiging mapalad kung sisimulan na ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa lovelife tuloy ang masarap na pakikipag-relasyon sa isang Scorpio. Mapalad ang 3, 12, 19, 23, 26, at 45. Beige at blue ang buenas. Swerte sa initial na S. at L.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa bilis ng pagsasalita at pag-aalok ka uunlad hanggang sa yumaman. Sa lovelife, kalimutan na ang kasuyong Leo, mas higit kang liligaya sa isang Libra. Mapalad ang 3, 18, 27, 32, 34, at 49. Purple at silver ang buenas. Swerte sa initial na B. at M.
Cancer – (June 22- July 22)— Upang patuloy na lumusog ang pakiramdam, ang pakikipagdaldalan sa mga kaibigan ay mabisang therapy, habang ang regular na pakikipag-romansahan sa kasuyo ay makapagpapalakas din ng immune system. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 30, at 48. Maroon at blue ang buenas. Swerte sa initial na I. at P.
Leo – (July 23 – August 22)— Hindi nakapagpapayaman ang pabebe, sa halip ang pakikimpok sa alta-siyudad na lipunan ang mag papayaman sa iyo. Sa lovelife, husayan mo pang lalo ang pakikipagromansahan upang hindi ka iwanan ng iyong kasuyo. Mapalad ang 6, 17, 22, 31, 38 at 45. Pink at red ang buenas. Swerte sa initial na A. at E.
Virgo – (August 23 – September 22)—Samantalahin ang pagkakataon, habang maganda ang kinikita, matutong mag-savings. Sa lovelife, wag ng ipagpaliban ang magagawa ngayon – romansahin ang kasuyo upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 38 at 44. Purple at gray ang buenas. Swerte sa initial na W. at L.
Libra – (September 23-October 23)—Panahon na upang mag-concentrate sa negosyong may kaugnayan sa mga pagkain at produktong may kaugnayan sa kapaskuhan. Sa lovelife, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyo, sa kanyang pagdating bigyan mo siya ng masarap na halik. Mapalad ang 3, 17, 29, 35, 40 at 45. Pink at lilac ang buenas. Swerte sa initial na T. at H.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Red ang mapalad na kulay ng isang Scorpio. Mas mabilis na darami ang pera kung lagi kang magsusuot ng red. Sa lovelife, habang nagmamahal, lalong darami ang suwerte at magagandang kapalaran. Kaya hindi mo dapat pigilin ang iyong puso – bumigay ka lang ng bumigay. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: Bukod sa red ang green ay buenas. Swerte sa initial na R. at C.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Iwasang mag-reklamo upang ang magandang kapalarang ay hindi mapurnada. Sa pinansyal, tumango-tango lang hangga’t nagkakapera. Sa lovelife, wag ng tangihan ang kasuyo, hayaang mong ang kagustuhan niya ang masunod upang kapwa kayo masarapan at lumigaya. Mapalad ang 2, 11, 23, 32, 41 at 48. Violet at white ang buenas. Swerte sa initial na U. at S.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Ito ang araw upang paghandaan mo ang future. Panahon na upang mag-invest sa isang negosyong sure ang kita. Sa lovelife, manatiling tapat sa kasuyo, sa panahon ng pagtanda siya na lang ang tangi mong maasahan at makakasama. Mapalad ang 5, 12, 21, 30, 47 at 48. Red at blue ang buenas. Swerte sa initial na B. at G.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa lovelife, may babala na mamali ka na naman ng pagpapasya. Hanapin ang isang Libra, upang habang buhay ka ng lumigaya. Sa pinansyal at kadatungan, sundin mo ang ipinapagawa ng iyong puso, wag umasa sa rason at katuwiran. Mapalad ang 6, 19, 28, 34, 40 at 47. Orange at brown ang buenas. Swerte sa initial na S. at F.
Pisces – (February 19 – March 20)— Mag-ingat sa mga matataba! Isang may pagka-chubby na pangangatawan ang magtatangkang lumuko sa iyo – mabilis na pag-iwas ang dapat! Sa lovelife, ang pagkainip sa ngayon ay mauuwi sa masarap na romansa sa susunod na mga araw. Mapalad ang 4, 8, 19, 26, 33, at 49. Beige at yellow ang buenas. Swerte sa initial na O. at P.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.