Gary Kapamilya pa rin; may bagong pasabog online
Mananatiling Kapamilya si Mr. Pure Energy Gary Valenciano matapos pumirma muli ng kontrata sa ABS-CBN.
Ayon kay Gary, bumabalik sa kanya ang mga magagandang alaala na nabuo kasama ang istasyon tuwing pumipirma ng kontrata sa ABS-CBN. Naikuwento rin niya na malalim ang relasyon niya sa network dahil na rin sa haba ng panahon na ginugol niya bilang isang Kapamilya.
Nang tanungin tungkol sa kanyang mga nakahaing proyekto, ipinahayag ni Gary na isang malaking konsyerto para sa kanyang ika-36 na anibersaryo ang magaganap next year. Alam niyang buo ang suportang makukuha niya rito mula sa ABS-CBN.
“May pinaplano rin akong proyekto online na nakatuon sa mga mang-aawit, pero hindi ito kumpetisyon,” dagdag pa niya.
Dumalo rin sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak, chief operating officer ng broadcast Cory Vidanes, head ng treasury, investor relations, business decision support & finance operations cluster 2 Rick Tan, head ng non-narrative programs Lui Andrada, at ang asawa at manager ni Gary na si Angeli Valenciano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.