MAGSISIMULA na bukas ang rotational water service interruption ng Manila Water at Maynilad.
Sa isang advisory, inabisuhan ng Manila Water at Maynilad ang mga kustomer nito upang alamin ang schedule ng pagkawala ng tubig sa kanilang mga lugar at mag-ipon na ng tubig.
Ang pagkawala ng tubig ay sanhi ng mababang level ng tubig sa mga dam. Kahapon ng umaga, ang tubig sa Angat dam ay 186.22 metro malayo sa target na 210-212 metro sa katapusan ng 2019.
Ang tubig naman sa Ipo dam ay 100.43 metro samantalang ang maintaining level nito ay 101 metro. Ang La Mesa dam naman ay 77.53 metro ang lebel mababa sa target level nito na 79 metro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.